^

PM Sports

2-0 tangka ng EAC; JRU babawi

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Emilio Aguinaldo College Generals na madugtungan ang magandang panimula habang putulin ang dalawang sunod na kabiguan ang pakay ng host Jose Rizal University sa 90th NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Generals sa 81-72 panalo sa St. Benilde Blazers at agad na nagpahayag ng kasiyahan si coach Gerry Esplana sa pangyayari.

“The past three seasons, we always start slow before piling up wins. This is a good sign dahil first game namin ito. Hopefully, mabiyayaan pa at madagdagan ang panalo,” wika ni Esplana.

Sa ganap na ika-2 ng hapon sasalang sa aksyon ang Generals laban sa inspirado ring Arellano Chiefs.

Sinorpresa ng Chiefs ang Lyceum Pirates, 93-80, para sa mainit na pagsalubong sa coaching debut sa NCAA ni Jerry Codiñera.

Nakikita ni Esplana na mahirap na laban ito dahil mas beterano at mas malalaki ang katunggali kahit may Noube Happi ang EAC.

Bunga nito, inaasahan ni Esplana na makikitaan pa rin  ng husay sa pagbuslo ang EAC  sa pa-ngunguna nina Jan Jamon Tayongtong at mga baguhang sina Ariel Aguilar at Jerald Serrano para hindi magkumpulan sa loob ang depensa ng Chiefs.

Magtatangka uli ang Heavy Bombers na mapasok sa win-column sa pagharap sa Blazers sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

ARIEL AGUILAR

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

ESPLANA

GERRY ESPLANA

HEAVY BOMBERS

JAN JAMON TAYONGTONG

JERALD SERRANO

JERRY CODI

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with