^

PM Sports

Cagayan nagdagdag ng puwersa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdagdag ng pu-wersa ang Cagayan Valley para sa inaasam na ikalawang sunod na korona sa Shakey’s V-League.

Sina dating Adamson mainstay Faye Guevara at Gemelyn Seguirre mula sa Gonzaga National High sa Cagayan ang hinugot ni coach Nes Pamilar, habang inaasahang makakatulong rin sina Janine Marciano, mula sa Philippine National Police at dating FEU stalwart Chie Saet at dating Adamson standout Pau Soriano para sa Ri-sing Suns.

Winalis ng Cagayan Valley ang kompetisyon sa pagtatayo ng perpek-tong 16-0 record noong nakaraang taon, tampok dito ang finals sweep laban sa Smart-Maynilad.

Magsisimula ang Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa Hunyo 29 sa The Arena sa San Juan City.

Muling haharang sa landas ng Cagayan Valley ang Ateneo, ibabandera sina Alyssa Valdez at Amy Ahomiro na maagang nasibak sa First Conference na pinagreynahan ng Far Eastern University.

Ipaparada naman ng National University ang Santiago sisters na sina Dindin at Jaja samantalang makikipaglaban rin para sa titulo ang Philippine Army na gagabayan naman nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga, umakay sa Lady Tams patungo sa titulo ng First Conference sa event na itinataguyod rin ng Shakey’s, Mikasa at Accel.

 

vuukle comment

ADAMSON

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

CAGAYAN VALLEY

CHIE SAET

FAR EASTERN UNIVERSITY

FAYE GUEVARA

FIRST CONFERENCE

GEMELYN SEGUIRRE

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with