^

PM Sports

NU, Arellano unahan sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang nagdedepensang kampeong National University Lady Bulldogs at Arellano Lady Chiefs sa paglapit sa puwesto sa semifinals sa pagbubukas ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference quarterfinals sa TheArena sa San Juan City.

May 1-0 karta ang Arellano at NU dahil tinalo nila ang  mga kagrupo sa Group 2 na St. Benilde at FEU sa elimination round kaya’t ang mananalo sa larong magsisimula sa ganap na ika-2 ng hapon ang maglalapit sa kanila sa semis.

Magbabalik na si 6’4’ Jaja Santiago sa NU matapos lumiban nang masama sa koponan na naglaro sa Asian Women’s Club Volleyball Championship na ginawa sa Thailand kamakailan upang makumpleto uli ang naglalakihang spikers ng koponan.

Ngunit hindi pahuhuli ang Lady Chiefs na sasandal sa husay nina Danna Henson at Menchie Tubiera para mamuro sa tangkang pagpasok sa Final Four sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Magsusukatan sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon ang Ateneo Lady Eagles at Davao Lady Agilas.

May 1-0 karta ang Ateneo dahil tinalo nila ang Adamson sa unang yugto ng kompetisyon na suportado pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Pero hindi malayong mapalaban ang Lady Eagles dahil ibang level din ang ipinakikitang laro ng bisitang Lady Agilas na tinapos ang elimination round bitbit ang 4-1 karta.

Ngunit sa round na ito ay may 0-1 baraha sila dahil natalo sila sa UST.

Pihadong sasandal uli ang Davao sa husay nina May Agton, Venus Flores at Jocemar Tapic upang matapatan ang malakas na paglalaro ng Ateneo sa pamumuno ng UAAP MVP Alyssa Valdez. (AT)

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ARELLANO LADY CHIEFS

ASIAN WOMEN

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DANNA HENSON

DAVAO LADY AGILAS

FINAL FOUR

FIRST CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with