^

PM Sports

Unang pagsubok kay silver

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating na ang unang krisis sa pagiging Commissioner ni Adam Silver bagama’t maiksing panahon pa lamang itong nasa posisyon at marami ang nag-aaabang kung ano ang kanyang magiging aksiyon.

Sa alegasyong may voice record si Los Angeles Clippers owner Donald Sterling ng kanyang racist comments, mabilis itong kumalat sa opening playoff round ng liga.

Ang recording ay unang inilabas ng TMZ ngunit wala pang official confirmation na boses nga iyon ni Sterling. May isa pang tape na ini-release nitong Linggo ang Deadspin.

Ang prayoridad ni Silver ay siguraduhing boses nga ni  Sterling ang nasa recording. Mula rito ay walang nakakaalam kung ano ang kanyang magiging aksiyon.

Si Silver ay empleyado ng mga owners ngunit ang ibang nagmamay-ari ng team ay tila walang simpatya kay Sterling.

Nagsimulang maglingkod si Silver bilang commissioner noong Feb. 1 kapalit ni David Stern.

Kinausap ng players union na wala pang executive director matapos sibakin si Billy Hunter boong February 2013 si dating NBA All-Star at kasaluku-yang Sacramento Mayor Kevin Johnson para maging kinatawan ng mga players. Kinausap na ni Johnson sa emergency phone meeting ang mga  representative ng mga players sa union.

 

vuukle comment

ADAM SILVER

BILLY HUNTER

DAVID STERN

DEADSPIN

DONALD STERLING

DUMATING

KINAUSAP

LOS ANGELES CLIPPERS

SACRAMENTO MAYOR KEVIN JOHNSON

SI SILVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with