^

PM Sports

Kuminang ang Jacklyn’s Diamond

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Jacklyn’s Dia­mond ang pangalawang hangin para hindi ma­sayang ang magandang ipinakita sa class division two race noong Biyernes ng gabi sa bakuran ng San­ta Ana Park sa Naic Cavite.

Inakalang naubos na ang kabayong sakay si JE Villanueva nang makauna ng isang ulo ang Scout Ranger, hinataw ng hinete ang Jacklyn’s Diamond para manumbalik ang init ng pagtakbo nito sa pagpasok sa huling 75-metro sa 1,300-metro karera.

Bunga nito ay kumaripas muli ng takbo ang di napaborang kabayo para maiwan ng halos apat na dipa ang mga nakalaban.

Ang Naga sa pagdiskarte ni FA Tuason ang siya pang sumegunda nang maungusan sa dikitang pag­tatapos ang  Scout Ran­ger sa pagdadala ni RO Niu Jr.

Galing sa ika-10 puwestong pagtatapos ang Jacklyn’s Diamond para di mapaboran sa 13 kaba­yong nagtagisan.

Ang nanalong kabayo ang lumabas bilang pinaka-longshot sa gabing ito matapos maghatid ng P75.00 dibidendo, habang ang 12-11 forecast ay may P266.50 na ipinamahagi.

Naipakita rin ng Sio­pao­kinghaha na kaya pa nitong umani ng panalo matapos makasilat ng panalo sa race three. (ATan)

vuukle comment

ANA PARK

ANG NAGA

BIYERNES

JACKLYN

NAIC CAVITE

NIU JR.

SCOUT RAN

SCOUT RANGER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with