^

PM Sports

Sa Special Class Division Lumabas ang magandang porma ng Boss Jaden

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha uli ng Boss Jaden ang magandang porma para mapangatawanan ang pagiging liyamado sa sinalihang karera noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Jeff Bacaycay pa rin ang hinete ng apat na taong colt sa special handicap race na pinaglabanan sa 1,400-metro at hindi naapektuhan ang Boss Jaden sa ipinataw na 57 kilos handicap weight tungo sa ikalawang panalo sa taong 2014.

Hindi agad na minadali ni Bacaycay ang sakay na kabayo matapos makontento mula sa ikalimang puwesto sa alisan.

Ang Sleepy Jean ni Mark Alvarez at second choice sa walong naglabanan, ang siyang bumandera habang nakasunod ang Suave Saint, Mezzanine at Miss Manuguit.

Ganito ang puwesto hanggang sa far turn nang nagkasama-sama na ang limang kabayo para sa magandang pagtatapos ng karera.

Naipuwesto ni Bacaycay ang Boss Jaden sa balya at nakatulong ito para makahulagpos sa kasabayan tungo sa solong pagtawid sa meta.

Halos apat na dipa ang layo ng nanalong kabayo sa nadehadong Miss Manuguit na hawak ni class B  jockey RC Tabor.

Anak ng Real Spicy sa Tereshkova, ang panalo ng Boss Jaden ay nagkahalaga ng P10.00 habang nasa P74.00 ang dibidendo sa 1-6 forecast.

Nakuha ng Raon ang ikaapat na diretsong panalo habang magandang pagbabalik ang ginawa ng Patron sa iba pang karera na ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Sa kalagitnaan ng 1,400m race nag-init ang Raon para lampasan ang apat na nasa unahan.

Hindi na napigil ang kabayong hawak ni Jordan Cordova sa pagbungad ng rekta nang humataw ito tungo sa halos anim na dipang panalo sa Flo Jo.

Ang panalo ng anim na taong Raon na may lahing Yes Boss at As Tears Go By ay ikalawang sunod din kay Cordova at naghatid ito ng P6.00 dibidendo sa win. Ang 2-1 forecast ay may P16.50 na ipinamahagi.

Nagpasikat naman ang Patron sa pagdadala ni Antonio Alcasid Jr. sa 1300-metro distansyang karera at tinalo nito ang Market Value ni BM Yamzon.

Huling opisyal na takbo ng kabayo ay noon pang Mayo 5, 2013 at ang panalo ay senyales na magiging palaban uli ang nasabing kabayo.

May P20.50 ang ibinigay sa win habang P124.50 ang ipinasok sa 3-1 forecast. (AT)

 

vuukle comment

ANG SLEEPY JEAN

ANTONIO ALCASID JR.

AS TEARS GO BY

BACAYCAY

BOSS JADEN

FLO JO

JORDAN CORDOVA

MANILA JOCKEY CLUB INC

MISS MANUGUIT

RAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with