^

PM Sports

Triple Crown sa Mayo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Mayo itatakbo ang unang yugto ng three-leg 2014 Philracom Triple Crown pero sa ngayon ay wala pang nakikita ang mga panatiko ng horse racing na kabayong posibleng makapagdomina sa prestihiyosong karera para sa mga tatlong taong gulang na mga kabayo.

May mga pakarera na para sa mga edad tatlong taong gulang na kabayo ang itinakbo na ngunit wala pa ni-isa ang nakapagtala ng magkasunod na panalo sa idinadaos na Philracom Local 3YO Fillies at Colts race.

Ang Up And Away na hinirang bilang pinakamahusay na 2YO Filly noong nakaraang taon ng Philtobo ay nanalo sa ikalawang leg ng 3YO Local Fillies race  sa pagdadala ni Dominador Borbe Jr.

Tinalo ng tambalan ang Bahay Toro na nagdomina sa first leg ng karera na ginagawa ng Philippine Ra-cing Commission.

Dahil sa panalo at segunda puwestong pagtatapos, ang Bahay Toro na ginagabayan ni Jessie Guce ay inaasahang magiging palaban sa Triple Crown kung isasali ng handlers.

Wala ring itulak-kabigin sa hanay ng mga colts dahil sa dalawang naunang leg ng Local race ay magkaibang kabayo ang nanalo.

Ang Low Profile na Dixie Gold na parehong nirendahan ni Mark Alvarez.

Isang kabayo na hinihintay mula sa bakasyon ay ang Kid Molave na ginawaran bilang pinakamahusay na two-year old colt ng Philtobo sa isinagawang Gintong Lahi Awards kamakailan sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Tampok na panalo ng nasabing kabayo ay ang Philracom Juvenile Championship noong Dis-yembre para opisyal na makuha ang taguri bilang pinakamahusay sa kanyang hanay.

Ang iba pang kabayo na maaaring maging palaban sa Triple Crown ay ang Skyway, Mr. Bond, The Lady Wins, Matang Tubig at Kukurukuku Paloma na hinirang bilang leg winners ng Philracom Colts at Fillies races noong nakaraang taon.

Sa Mayo 18 bubuksan ang tatlong yugtong karera sa MetroTurf na inilagay sa 1,600-metro distansya.

 

vuukle comment

ANG LOW PROFILE

ANG UP AND AWAY

BAHAY TORO

DIXIE GOLD

DOMINADOR BORBE JR.

GINTONG LAHI AWARDS

JESSIE GUCE

KID MOLAVE

SA MAYO

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with