^

PM Sports

Puyat nangunguna sa mga horse owners

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlong horse owners ang pumalo na ng mahigit isang milyon ang premyong napanalunan matapos ang unang buwan sa taong 2014.

Si Aristeo Puyat ang siyang lumabas na nasa unang puwesto kasunod ang Jade Bros. Freight at Patrick Yu.

May 13 panalo na ang mga inilabang kabayo ni Puyat bukod pa sa apat na segundo, 10 tersero at 6 kuwarto puwesto para makakubra na ng P1,578,569.84 premyo.

Hanap ni Puyat na mahigitan ang pangalawang puwestong pagtatapos sa pangkalahatan noong 2013 sa P11,041,096.96 napanalunan.

Ang mga entrada ng Jade Bros. Freight at Uy ay parehong umani ng tig-10 panalo pero ang Jade Bros. Freight ay mayroong walong segundo, tatlong tersero at anim na kuwarto puwesto para kunin ang ikalawang puwesto sa talaan sa P1,334,346.33 premyo.

Si Uy ay nag-uwi na ng P1,197,889.20 premyo matapos magtala pa ng dalawang segundo, walong tersero at apat na kuwarto puwestong pagtatapos.

Ang lumabas bilang pinakamahusay na horse owner noong nakaraang taon na si Herminio Esguerra sa napanalunang P12,728,062.08, ay masasabing nagpapainit pa lamang matapos magkaroon ng apat na panalo, isang segundo, dalawang tersero at isang kuwarto puwestong pagtatapos.

May naibulsa na si Esguerra ng P465,276.46 para okupahan ang 18th puwesto.

Tiyak naman ang pag-angat nito sa kinalulugarang puwesto lalo na kapag nagsimula na ang paglarga ng malalaking karera sa mga susunod na buwan.

Si Ruben Dimacuha at FB Reyes ang nasa ikaapat at limang puwesto tangan ang P732,176.24 (4-5-1-2) at P727,372.71 (6-3-4-0).

Ang mga horse owners na kukumpleto ang unang sampung puwesto ay sina Sixto Esqui-vias IV (4-5-3-10) sa P679,915.59, Atty. Narciso Morales (5-1-7-6) sa P671,704.30, Wilbert Tan (4-3-5-8) sa P642,853.66, GP La Rosa (5-2-4-1) sa P621,099.66) at Hideaway Farm Corp. (4-3-5-1) sa P597,864.38. (AT)

vuukle comment

HERMINIO ESGUERRA

HIDEAWAY FARM CORP

JADE BROS

LA ROSA

NARCISO MORALES

PATRICK YU

PUWESTO

PUYAT

SI ARISTEO PUYAT

SI RUBEN DIMACUHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with