^

PM Sports

Laguna handa nang maging punong-bala ng Palarong Pambansa

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa na ang Laguna para maging matagumpay ang makasaysayang pagtayo bilang punong-abala ng 2014 Palarong Pambansa sa Mayo.

“This is the first time that the Province of Laguna will be hosting the Palarong Pambansa. It is a great honor and a testament of  Laguna’s capability and preparedness to stage the country’s grandest Palaro. The Palarong Pambansa in Laguna will be the benchmark of future Palarong Pambansa,”deklarasyon ni Governor Jeorge ‘E.R.’ Ejercito Estregan sa Memorandum of Agreement (MOA) signing at press conference na ginawa kahapon sa Bulwagan ng Karunungan sa Department of Education office sa Pasig City.

Si DepEd secretary Bro. Armin Luistro ang siyang lumagda para sa ahensyang nangangasiwa sa Palaro at ang nakitang mainit na suporta ng ibang stakeholders sa anim na Siyudad at 24 munisipalidad ng probinsya ang nagpatunay na tama ang paggawad sa Laguna bilang host sa kompetisyong gagawin mula Mayo 4 hanggang 10.

“Hindi magtatagumpay ang isang hosting dahil lamang sa ganda ng mga pasilidad kungdi dahil sa suporta ng ibang stakeholders. Ito ang pinakamalaking signing ng MOA ng Deped at host at ang suporta ng naririto ang magtitiyak na magiging matagumpay ang kauna-unahang hosting ng Laguna,” wika ni Luistro.

Ang 19-ektarya na Laguna Sports Complex na inayos sa loob ng isang taon sa halagang P1 bilyon, ang siyang main hub at pagdarausan ng 85 porsiyento sa  19 sports disciplines na gagawin sa kompetisyon.

Maglalabas din ang pamahalaang lokal ng P70 milyon para sa aktuwal na palaro para matiyak na magiging masaya at kumportable ang mga bisita na tinataya ni Ejercito Estregan na nasa 15,000 ang bilang.

Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay sasamahan nina PBA superstar James Yap at ang magkapatid na sina Jeric at Jeron Teng para pasiglahin ang opening ceremony.

Bukod sa magarang hosting, handa rin ang mga manlalaro ng Laguna na makapanggulat lalo na kung ang tagisan para sa overall ang pag-uusapan.

Ang atleta ng probinsya ay palagian na nasa Top Three pero ipinalalagay na palaban sa overall dahil na rin sa suporta ng mga kalalawigan.

 

vuukle comment

ANG PAMBANSANG KAMAO

ARMIN LUISTRO

DEPARTMENT OF EDUCATION

EJERCITO ESTREGAN

GOVERNOR JEORGE

JAMES YAP

JERON TENG

LAGUNA

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with