^

PM Sports

Humataw na si Durant

Pang-masa

OKLAHOMA CITY  -- Nagtala si Kevin Durant ng 28 points at eight assists habang naipasok ng isang Thunder fan ang half-court shot nang igupo ng Oklahoma City ang Los Angeles Clippers, 105-91 nitong Huwebes ng gabi.


Sa ikalawang sunod na laro, isang Thunder fan ang nakaiskor ng half court shot sa second quarter promotion para sa $20,000 premyo. Binati ang high school business teacher na si Brad Brucker ng mga recording artists na sina Beyonce at Jay-Z na umupo sa courtside seats katabi ang pamilya ni Durant.

Umiskor si
Serge Ibaka ng 17 points at blumangka ng tatlong shots habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 12 points para sa Oklahoma City na nanalo ng kanilang unang limang home game ngayong season.

Lamang ang Oklahoma City sa buong laro na maagang lumayo sa 10-points at hindi bumaba sa anim na puntos ang kanilang bentahe sa matchup ng mga Western Conference powers.



Umiskor si Blake Griffin ng 27 points sa 12-for-23 shooting at mayroon ding 10 rebounds para sa Clippers.  Mayroon siyang 20-10 double sa 10 laro ng hu-ling 12 games.


Tumapos si Chris Paul ng 17 points at 12 assists. Binuksan niya ang season sa 13 straight games na nagtala ng hindi bababa sa 10 points at 10 assists.

Lumapit ang Los Ange-les sa 81-75 sa opening minute ng fourth quarter ngunit ang three-point play ni Nick Collison at jumper ni Jeremy Lamb ang naglagay sa Thunder sa 11-puntos na kalamangan.

Ang mga basket nina Ryan Hollins at Jamal Crawford ang naglapit sa kanila sa seven-points, ngunit umiskor ang Oklahoma City ng pitong sunod na puntos para sa kanilang pinakamalaking kalama-ngan, 93-79 sa free throw ni Lamb sa natitirang 7:11 minuto ng labanan.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

BRAD BRUCKER

CHRIS PAUL

JAMAL CRAWFORD

JEREMY LAMB

KEVIN DURANT

LOS ANGE

LOS ANGELES CLIPPERS

OKLAHOMA CITY

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with