^

PM Sports

Boss Jaden nakapasok sa palakihan ng premyo mula sa nakuhang P1.2 milyon sa PCSO National Grand Derby

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang panalong nakuha sa pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong nakaraang bu­wan ang nagtulak sa Boss Jaden para pumasok sa unang tatlong puwesto sa palakihan ng kinita ng mga matitinding kabayo sa taong ito.

Kumabig ng kabuuang P1.2 mil­­yong gantimpala ang Boss Jaden nang do­minahin ang PCSO Natio­nal Grand Derby na ginawa sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ito ang unang pana­lo ng kabayo bukod sa tat­long pangalawa at pa­­ngatlong puwesto at isang kuwarto puwes­tong pag­ta­tapos para kumabig ng P2,411,443.42.

Noong buwan ng Hul­yo ay nasa ika-13 puwesto lamang ang kabayo.

Ngunit sampung bai­tang ang inilundag ng Boss Jaden matapos ang buwan ng Agosto.

Bagama't hindi isinabak sa laban ay hindi na­man nawala sa unang da­lawang puwesto ang Hag­dang Bato.

Kasunod nito ang double leg winner ng 2013 Phil­racom Triple Crown Cham­pionship na Spinning Ridge.

May P4,420,000.00 na kinita ang 2012 Horse of the Year na Hagdang Ba­to  sa tatlong matitinding pa­nalo sa mga karerang si­nalihan.

Ang kabayong Spinning Ridge ay mayroong kitang P3,961,541.19 mu­la sa apat na panalo at da­la­wang tersero puwestong pag­tatapos.

Ang dating nasa ikatlong puwesto na Divine Eagle na nagposte ng kinitang P2,219,160.68 ay bumaba sa ikaapat na puwesto matapos ipahi­nga sa nagdaang buwan katulad ng mga kabayong Be Humble at Jazz Connection.

Ang Be Humble at Jazz Con­nection ay na­la­gay sa ika-lima at pang-anim na puwesto mu­­la sa P2,144,108.50 at P1,729,689.91 na kinita.

Ang Crucis na nagwa­gi sa nakaraang Atty. Rod­­­rigo Salud Cup para ku­nin ang P300,000.00 gan­­timpala ang nasa ika­pitong puwesto bitbit ang P1,522,217.04 sa pi­tong panalo at tatlong tersera puwesto.

Ang kukumpleto sa unang sampung puwes­to ay ang Hi Money (7-3-2-1) na kumolekta ng P1,427,189.61 prem­yo, ang Snake Queen (9-4-2-3) na kumabig ng P1,397,860.71 at ang Hot And Spicy (3-3-1-2) na humakot ng P1,385,102.94 premyo.

 

vuukle comment

ANG BE HUMBLE

ANG CRUCIS

BE HUMBLE

BOSS JADEN

DIVINE EAGLE

GRAND DERBY

PUWESTO

SHY

SPINNING RIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with