^

PM Sports

Phl Azkals umakyat sa No. 141

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakamit ng Philippine men’s football team ang kanilang pinakamataas na world ranking.

Mula sa dating pagiging No. 144 noong nakaraang buwan ay umakyat sa No. 141 ang Philippine Azkals sa Fifa ranking.

Ang dating pinakamatas na puwestong nakuha ng bansa ay No. 143 noong Nobyembre ng nakaraang ta­on.

Halos wala silang sinalihang torneo noong Hulyo, ngu­nit naungusan pa rin ng Azkals ang St. Lucia (142), Belize (143) at Syria (147).

Ang Thailand ang nanantiling top team sa Southeast Asia mula sa pagiging No. 137.

Kasunod naman ng Thailand ang Singapore na tu­ma­tayong No. 155.

Nakatakdang labanan ng Azkals ang Indonesia sa Miyerkules para sa isang international friendly.

Ilang miyembro ng Under-23 ang makikipag-agawan ng puwesto para sa koponang ipapadala ng Phi­lip­pine Football Federation sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.

Nauna nang inireklamo ng PFF ang pagwawalang-ba­hala sa kanila ng Philippine Olympic Committee para makasali sa 2013 Myanmar SEA Games sa Dis­yembre.

 

vuukle comment

ANG THAILAND

AZKALS

FOOTBALL FEDERATION

MYANMAR

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SHY

SOUTHEAST ASIA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with