^

PM Sports

Pagkatapos ng operasyon at pahinga, Cuello laban uli

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Denver Cuello na pagkatapos ng kanyang surgery at konting pahinga ay muli niyang hahamunin si world minimumweight champion Xiong Zhao Zhong ng China para sa isang rematch.

“Payag naman sila sa rematch, kaya pagkatapos ng surgery ko, magpapagaling ako ng sugat tsaka kami magre-rematch sa Las Vegas,” wika ng 26-anyos na si Cuello sa 30-anyos na si Zhong, ang kasalukuyang World Boxing Council minimumweight king.

Nakatakdang sumailalim si Cuello sa isang surgery sa Makati Medical Center ngayong araw para sa kanyang right shoulder injury.

Ito ang injury na nalasap ni Cuello sa kanyang unanimous decision win laban kay Ivan Meneses sa Mexico noong Setyembre 29, 2012.

Sa kanyang majority decision loss kay Zhong (21-4-1, 11 KOs), ang kaliwang braso lamang ang ginamit ni Cuello (33-5-6, 21 KOs) hanggang matapos ang laban noong nakaraang Biyernes sa World Trade Centre sa Dubai, United Arab Emirates.

“Parang nalaglag ‘yung buto kasi nga wala nang kumakapit sa litid,” ani Cuello. “Pero takbo lang ako nang takbo. Sabi ko, kapag nakarating ako ng corner, mababalik ni Kuya (Aljoe Jaro) ito, okay na siya.”

Nauna nang napabagsak ni Cuello si Zhong sa first round mula sa isang left straight bago sumakit ang kanyang kanang balikat.

Nagkaroon ng putok sa kanyang ulo si Cuello nang magkabanggaan ang kanilang mga ulo ni Zhong sa ninth round.

vuukle comment

ALJOE JARO

CUELLO

DENVER CUELLO

IVAN MENESES

LAS VEGAS

MAKATI MEDICAL CENTER

UNITED ARAB EMIRATES

WORLD BOXING COUNCIL

ZHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with