^

PM Sports

Philracom sinagot ang mga akusasyong ibinato sa kanila

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinagot na ng pamunuan ng Philippine Racing Com­­mission ang mga akusasyon na ibi­nabato ng tatlong malalaking horse owners’ group at ipi­naabot sa Ma­lacañang.

Ayon kay Philracom chairman Angel Castano Jr., nakakuha na sila ng kopya sa mga reklamo na idinulog ng Tri-Org kay Pangulong Benigno Aquino III at sinagot na rin nila ito at ang tugon ay naipadala na sa Malacañang noong Martes.

“Yes. That’s all we did,” wika ni Castano.

Ang tugon ay upang pabulaanan na siya at ang buong Philracom board ay nagsumite na ng kanilang ir­re­vocable resignation kahapon sa Malacañang.

Ito ang nilalaman ng press statement kahapon mula sa Tri-Org na binubuo ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan kasabay ng pagbawi na sa naunang ipinata­wag na ‘racing holiday’.

Ang mga kasapi ay hinimok na magpatala na ng mga kabayo mula Biyernes hanggang Linggo matapos iha­yag ni Castano sa isang pagpupulong sa Tri-Org na magbibitiw na siya at ang iba pang board sa puwesto pa­ra tapusin ang problema.

“In anticipation of Chairman Castano’s promise du­ring a meeting with him that he will tender his irre­vocable resignation Wednesday and in line with our be­lief that we have adequately conveyed to the Office of the President and to the racing public the sad state of the Philippine racing industry resulting from mis­management by the current Philracom leadership, we are enjoining all ow­ners and other stakeholders who sympathized with our cause to declare their hor­ses for Friday, Saturday and Sunday racing,” na­kasaad sa statement.

Pinatotohanan ni Cas­ta­­no na nakipagpulong si­ya sa kasapi ng Tri-Org no­ong nakaraang Biyer­nes ngunit ang ipinagdi­inan niya sa grupo ay ila­pit ng mga nag-aaklas na horse owners ang proble­ma sa Malacañang.

“Lagi ko naman sina­sa­bi na kung ako ang gusto nilang alisin, puwede na­man nilang idulog ito sa Malacañang na siyang nag­lagay sa amin at huwag ng parusahan ang horse racing,” paliwanag ni Castano.

Ngayong sinagot na ng Philracom ang mga aku­sasyon, nararapat na hin­­tayin na lamang ng lahat ang gaga­wing aksyon ng Palasyo sa problemang ito.

Tampok na karera sa linggong ito ang 2nd leg ng Philracom Triple Crown Championship sa Sabado sa Philippine Ra­cing Club na kung saan ang mga malalaking horse ow­ners na kasapi ng Tri-Org ang mga maglalaban-la­ban para sa P1.8 mil­yong gantimpala.

 

vuukle comment

ANGEL CASTANO JR.

CHAIRMAN CASTANO

KLUB DON JUAN

MALACA

PHILRACOM

SHY

TRI-ORG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with