^

PM Sports

Hornacek magko-coach ng Phoenix Suns?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa mga pinakasikat na dating player ng Phoenix Suns ang lumalabas ngayong pangunahing kandidato para maging coach ng koponan, ayon sa mga sources ng Yahoo! Sports.

Ang assistant coach ng Utah Jazz na si Jeff Hornacek ay nakipagkita sa bagong Suns general manager na si Ryan McDonough at president Lon Babby noong nakaraang linggo sa Phoenix.

Wala pang pormal na offer kay Hornacek, ngunit posibleng matapos na ang paghahanap ng Suns ng coach sa susunod na linggo, ayon sa mga coaches.

Ang 50-gulang na si Hornacek ay lumaro ng anim na seasons ng kanyang 14-year NBA career sa Suns at nananatiling pinakasikat na player sa Phoenix area kung saan may bahay ito.

Para sa Suns, bagay si Hornacek na  coach sa prangkisang planong baguhin ang koponan na bubuuhin ng mga batang players ng team at mga players na makukuha sa draft.

Ang Phoenix ay may anim na six first-round picks sa susunod na tatlong taon at ang  player development ang kanilang top priority.

Nakipagkita rin ang Suns kay Houston Rockets assistant J.B. Bickerstaff noong Biyernes at binigyan na rin ng permiso na ma-interview si Los Angeles Lakers assistant coach Steve Clifford.

Nananatili si Clifford na malakas na kandidato para sa head-coaching job sa Bucks at Charlotte Bobcats.

Ang dating interim coach ng Suns na si Lindsay Hunter ay na-interview na rin.

May interview din si Hornacek sa Bobcats para sa coaching opening ngayong linggo.

 

vuukle comment

ANG PHOENIX

CHARLOTTE BOBCATS

HORNACEK

HOUSTON ROCKETS

JEFF HORNACEK

LINDSAY HUNTER

LON BABBY

LOS ANGELES LAKERS

PHOENIX SUNS

STEVE CLIFFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with