^

PM Sports

Indiana, Houston umiskor ng panalo: Boston humirit

Pang-masa

NEW YORK -- Nakabalik sa kanilang first-round playoff series at magbabalik sa Boston.

Nagposte si Kevin Garnett ng 16 points at 18 rebounds para pangunahan ang Boston Celtics sa 92-86 tagumpay kontra sa New York Knicks at makalapit sa 2-3 sa kanilang serye.

Ang Celtics ang mamamahala sa Game 6 sa Boston sa Biyernes.

Dalawang panalo pa ang kailangan nila para ma­ging kauna-unahang NBA team na nakabawi buhat sa isang 3-0 deficit at angkinin ang serye.

Tumapos naman si J.R. Smith, naglaro matapos mapatawan ng isang one-game suspension dahil sa paniniko sa mukha ni Jason Terry sa Game 3, na may 14 points mula sa kanyang 3-of-14 fieldgoal shooting.

Nagdagdag si Jeff Green ng 18 points at may 16 si Paul Pierce para sa Celtics.

Nagtala si Carmelo Anthony ng 22 points galing sa malamya niyang 8-of-24 clip para sa New York.

Sa Oklahoma City, tumipa si James Harden ng 31 points at nagsalpak ng pitong 3-pointers sa kabila ng pagkakaroon ng sinat para igiya ang Houston Rockets sa 107-100 panalo laban sa Oklahoma City Thunder at makalapit sa 2-3 agwat sa kanilang serye.

Nakahugot ang Houston ng 21 points at 11 rebounds kay Omer Asik at 18 points kay Francisco Garcia, habang nag-ambag si Patrick Beverley ng 14 at may tig-10 sina  Aaron Brooks at Chandler Parsons.

Sa Indianapolis, tumipa si veteran David West ng 24 points, samantalang nagdagdag si Paul George na may double-double para ihatid ang Indiana Pacers sa 106-83 pananaig kontra sa Atlanta Hawks at kunin ang 3-2 abante sa kanilang serye.

 

vuukle comment

AARON BROOKS

ANG CELTICS

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

CARMELO ANTHONY

CHANDLER PARSONS

DAVID WEST

FRANCISCO GARCIA

HOUSTON ROCKETS

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with