^

PM Sports

Bolts pasok sa top 6 Matapos lusutan ang Painters sa overtime

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinalo ng Meralco ang nawalan ng head coach na Rain or Shine, 118-116, sa overtime para makopo ang huling lugar sa Top 6 sa pagtatapos ng elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo at pagtatapos ng Bolts sa 7-7 ay makakaharap nila ang nagdedepensang San Mig Coffee sa best-of-three quarterfinals series bukas.

Ang panalo rin ng Meralco, nakakuha ng 50 points, 14 rebounds, 4 assists at 5 steals kay import Eric Dawson, ay nalaglag sa No. 7 ang Barangay Gi­nebra at ki­nakailangang talunin ang No. 2 Rain or Shine ng da­lawang beses sa quarters.

Bagama’t ‘no-bearing’ ang laro para sa Elasto Pain­­ters at napatalsik ng maaga sa laro si head coach Yeng Guiao ay lumaban pa rin sila hanggang sa huli ka­­hit na nilamangan ng Meralco ng 19 puntos sa se­cond quarter.

Kinapos ang tira ni Beau Belga sa pagtunog ng final buzzer para sa Rain or Shine na nakakolekta ng 31 points kay 7’3 import Bruno Sundov bukod pa ang 19 rebounds at 4 assists. 

Na-thrown out si Guiao may 2:54 sa first quarter dahil sa flagrant misconduct.

Ito ang pang-pitong technical/flag­rant violation ni Guiao ngayong confe­rence.

Pumasok ng bahagya ng court si Guiao at binangga si Mark Cardona matapos ang opensiba ng Elasto Painters na sa tingin niya ay dapat tinawagan ng foul si Cardona sa isang rebound play nila ni Ryan Araña.

Automatic ejection ang katumbas ng flagrant misconduct.

Samantala, may trade na nakarating sa lamesa ni PBA Commissioner Chito Salud kahapon para apru­bahan niya.

Nakuha ng Ginebra si Josh Urbiztondo mula sa Barako Bull kapalit ni rookie Keith Jensen at isang future second round pick. Nagpapalakas ang Gin Kings para sa playoffs at ngayong alas-5 ng hapon ang deadline para sa mga pagbabago ng mga lineups ng mga koponang maglalaro sa playoffs.

Kung maaaprubahan ni Salud ay malilipat ng kopo­nan si Urbiztondo sa loob ng pitong buwan. Ang nakaraan ay nang mapunta siya sa Energy Cola mula B-Meg mula sa isang three-way trade na kinasangkutan din ng Petron Blaze at ni Wesley Gonzales.

Meralco 118 - Dawson 50, Cardona 19, Reyes 10, Hugnatan 10, Manuel 9, Buenafe 6, Artadi 6, Salvacion 5, Hodge 3, Ross 0.

Rain or Shine 116 - Sundov 31, Chan 18, Lee 16, Norwood 16, Tiu 11, Cruz 9, Araña 5, Rodriguez 4, Ibanes 4, Matias 2, Belga 0, Quiñahan 0.

Quarterscores: 34-26; 62-48; 86-80; 110-110; 118-116 (OT)

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BEAU BELGA

BRUNO SUNDOV

COMMISSIONER CHITO SALUD

GUIAO

MERALCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with