^

PM Sports

Blackwater, NLEX wagi

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi bumigay ang Blackwater Sports sa pagbangon ng Jumbo Plastic patungo sa 72-69 panalo para masolo ang liderato sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon Ci­ty.

Naglaho ang mala­king12 puntos na kala­mangan, 61-49, sa kala­git­naan ng huling yugto, hu­mugot ang Elite ng tibay kina Justin Chua at Gio Ciriacruz para kunin ang ikalimang panalo sa anim na laro.

Si Ciriacruz ay pumukol ng ikapitong tres sa la­ro ng Blackwater para ibigay ang 69-62 abante bago umiskor si Chua sa ilalim mula sa pasa ni Allan Mangahas upang manatiling angat ang koponan sa 71-65 sa huling 40 segundo ng labanan.

May 12 puntos at 10 rebounds si Chua, habang si Ciriacruz ay may 11 ka­tulad ni Kevin Ferrer.

Nagsolo ang Black­wa­ter dahil tinapos ng NLEX ang apat na sunod na pagpapanalo ng Café France sa ikalawang laro, 85-62.

Tinabunan ng Road Warriors ang 27-33 halftime  deficit pabor sa Ba­kers gamit ang 33 puntos sa ikatlong yugto.

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

ATENEO BLUE EAGLE GYM

BLACKWATER SPORTS

CHUA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GIO CIRIACRUZ

JUMBO PLASTIC

JUSTIN CHUA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with