^

PM Sports

Ateneo, UST Spikers magkakasukatan sa muling pagbubukas ng Shakey’s V-League

AT - Pang-masa

Laro ngayon (The Arena, San Juan City)

1 p.m. – Opening Ceremony

2 p.m. – Ateneo vs UST

4 p.m. Arellano vs National University

 

MANILA, Philippines - Masusukat ang lakas ng Ateneo at UST sa pagtutuos ng dalawang koponan sa pagsisimula ng 10th Shakey’s V-League First Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon matapos ang simple pero makabuluhang opening ceremony sa ganap na alauna ng hapon na kung saan sina San Juan City Mayor Guia Gomez at IOC representative sa Pilipinas Frank Elizalde ang inimbitahan bilang mga panauhing pandangal.

Ang Lady Eagles at Tigresses ang nagtuos sa finals sa nagdaang edisyon at pareho pa ring matitikas ang kanilang  line-up upang tumayong paborito pa rin sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may suporta ng Shakey’s Pizza.

Sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet at Jem Ferrer ay magbabalik para sa Ateneo at makikipagtulungan sila ngayon kina Rachel Ann Daquis at Leal Patnongon na kanilang mga guest players.

Makakatapat nila sina Maruja Banaticla, Maika Ortiz at Ma. Carmela Tunay para sa Tigresses na pinalakas sa pagdating  ng mga dating UST players na sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo para palakasin ang paghahabol sa ikapitong titulo sa ligang may suporta rin ng Accel at Mikasa.

Ang mananalo ay pansamantalang mangunguna sa Group A na inaaniban din ng San Sebastian, Letran at La Salle-Dasmariñas.

Ang ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng National University at Arellano.

Ipaparada ng Lady Bulldogs ang pinakamataas na blockers sa katauhan ng magkapatid na sina 6’2” Dindin Santiago at 6’4” Jaja Santiago na kanilang guest player.

“We feel that our opening day games will set the tone for this year’s title chase- tight, fierce and down-to-the-wire,” wika ni Sports Vision chairman Moying Martelino.

Ang Adamson, NCAA champion Perpetual Help at University of San Carlos-Cebu ang iba pang koponang kasali na nasa Group B.

 

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANG ADAMSON

ANG LADY EAGLES

ARELLANO

ATENEO

CARMELA TUNAY

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with