Jennings magiging limitado ang playing time sa Bucks
SAN FRANCISCO – Sinabi ni point guard Brandon Jennings, magiging isang restricted free agent, na kung pipirmahan niya ang one-year qualifying offer sa Milwaukee sa offseason ay magiging limitado na ang kanyang playing time sa Bucks.
“If I take the qualifying offer and become an (unrestricted) free agent there is no way I am coming back,†wiÂka ni Jennings sa Yahoo! Sports. “There is no way.â€
Ayon pa kay Jennings, para pirmahan niya ang quaÂlifying offer ay dapat hindi magbago ng line-up ang Bucks.
Hindi niya tinanggap ang alok na four-year, $40 million deal bago ang pagbubukas ng season.
Ang one-year qualifying offer ay maaaring magkaÂhalaga ng $4.5 milyon para kay Jennings.
- Latest