^

PM Sports

Speedy Mckie, Ikaw Ha Ikaw Ha parehong lumabas ang tikas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumutang ang husay ng mga coupled entries na Speedy Mckie at Ikaw Ha Ikaw Ha matapos kunin ang unang dalawang puwesto sa tinakbuhang karera noong Martes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Ang kabayo ni Pat Dilema na Speedy Mckie ang siyang kumuha sa panalo sa 1,400m distansya na isang class division 4 race upang mapangatawanan ang pagi-ging liyamado sa karera. Sa huling 400-meters ng karera nakadikit ang Speedy Mckie sa mga nangungunang My Queen at Epira bago tuluyang iniwanan sa rekta.

Bumulusok din ang Ikaw Ha Ikaw Ha na dala ng apprentice jockey na si RM Ubaldo para kunin ang ikala-wang puwesto at kapos lang ng isang ulo sa kalaban.

Pumangatlo ang Epira na ginabayan ni EG Reyes pero sa opisyal na datingan ay ang nasabing tambalan ang tumapos sa ikalawang puwesto para sa forecast.

Halagang P6.00 ang ibinigay sa win pero nadehado pa ang forecast na 3-1 tungo sa P32.00 dibidendo.

Ang nagpasikat na kabayo sa pista ay ang Absolute na dala ni AO Camañero nang ito ay namayagpag sa Metro Turf Invitational Race na pinaglabanan sa 1,400m distansya.

Kumawala ang Absolute mula sa limang kaba-yong nagbabalikatan sa unahan sa huling 150m at naisantabi ang kasabayang Go Vinnie ni Jonathan Hernandez na naiwan lamang ng kalahating kabayo sa meta.

Ang Raon na sakay ni Dilema ang siyang top choice sa pitong kabayo na naglaban pero malamig ang simula nito at nabugaw sa alisan. Napag-init man ni Dilema ang kabayo, kapos na ang huling remate ng Raon para makontento ang tambalan sa ikatlong puwesto.

Dahil isang invitational race, may karagdagang P5,000.00 ang winning horse owner at trainer ng nanalong kabayo na handog ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).

Nagpasok ang di inaasahang panalo ng Absolute ng P97.50 premyo sa win habang nasa P706.50 ang dibidendo sa forecast na 5-2.

vuukle comment

ANG RAON

DILEMA

EPIRA

GO VINNIE

IKAW HA IKAW HA

JONATHAN HERNANDEZ

METRO MANILA TURF CLUB INC

METRO TURF CLUB

METRO TURF INVITATIONAL RACE

SPEEDY MCKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with