^

True Confessions

Suklam (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “Meron kasi akong narinig tungkol kay Vivian, Brent,’’ sabi ni Julio.

“Ano ‘yun?’’

Bumuntunghininga si Julio.

Napailing-iling pagkatapos. Tumingin sa iba pang kalalakihan na umiinom. At saka bumaling kay Brent.

“Huwag na nga lang. Saka ko na lang sasabihin sa’yo, Brent,’’ sabi at tinungga ang beer nito sa harapan. Pagkatapos ay kumutsara ng sisig.

Nakiramdam si Brent. Ang pangangalunya kaya ni Vivian ang gustong sabihin ni Julio? Pero bakit hindi itinuloy? Bakit nagbago ang isip?

“Ubusin mo na ‘yang beer mo Brent at pagka­tapos kong mabayaran ang bill e sisibat na tayo. Sure ka tama na sa’yo ang isang bote?’’

“Oo Julio, di ko na kaya. Pinilit ko na nga lang, ha-ha-ha!’’

Pagkatapos bayaran, ay lumabas na sila at nagtungo sa parking area.

“Ihahatid na kita sa inyo, Brent.’’

“Salamat Julio. Mahihirapan na akong sumakay, sa ganitong oras.”

“Ituro mo lang kung saan ang way natin ha?’’

“Oo, Julio.’’

Naihatid siya ni Julio ng pasado alas dose ng hatinggabi.

Gising pa ang kanyang tatay.

“Sinong naghatid sa’yo Brent?’’

“Mister ng kaopisina kong babae—’yung ikinuwento ko sa’yo na may kalaguyo.’’

“Bakit?’’ (Itutuloy)

vuukle comment

JULIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with