Kaibigan (90)

Hindi siya nananaginip! Totoo ang nararamdaman niya na may nakadagan at nakayakap sa kanya. Mainit ang nakadikit na katawan sa katawan niya. Kakaibang init ang hatid ng katawan ni Tess.

Nang aninawin ni Dex kung sino ang nakadagan at nakayakap sa kanya—si Tess!

‘‘Tess!’’

Umungol lamang si Tess. Kumilos si Dex. Marahan. Nag-aalangan pa rin sa kilos at baka maistorbo ang pagkakahimbing ni Tess.

Bakit kaya lumipat dito sa sopa?

‘‘Tess!’’

Umungol uli.

Pagkatapos ay nagmulat.

‘‘Dex.’’

‘‘Ba’t narito ka? Ayaw mo sa kuwarto?’’ tanong niya.

‘‘Malamig sa kuwarto mo.’’

‘‘Pinatay mo sana ang aircon.’’

‘‘Gusto ko rito.’’

‘‘Masikip dito.’’

‘‘Kung masikip, paano tayo nagkasya?’’

‘‘Nakapatong ka kasi kaya tayo nagkasya.’’

Bahagyang napangiti si Tess.

‘‘Ayaw mo kasi akong patungan…’’

Hindi sumagot si Dex.

Lalo namang yumakap si Tess at nagkadikit nang todo ang katawan nila. Nagbabaga na ang katawan ni Tess pakiramdam ni Dex. At nararamdaman ni Dex, baka maya-maya ay mag-apoy na silang dalawa. Parang mahirap nang apulain ang apoy.

Inilapit ni Tess ang mukha sa mukha ni Dex. Nagdikit. Hinanap ng bibig ni Tess ang bibig ni Dex.

At damang-dama ni Dex na pati ang labi ni Tess ay nagbabaga na rin. Ang manipis na labi ni Tess ay nakapapaso!

Sinakmal ni Tess ang labi ni Dex.

Gumanti si Dex. Sinakmal din ang labi ni Tess.

Nilalamon na ng apoy ang kanilang mga sarili. Hindi na mapipigilan ang pagkalat ng dumidilang apoy.

Hanggang masumpungan nila na parehong inaalis ang mga saplot.

(Itutuloy)

Show comments