^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (165)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Totoo Marianne? Oo ang sagot mo ?’’ tanong ni Drew.

‘‘Oo.’’

Sa sobrang kasiyahan ay nayakap ni Drew si Marianne.

‘‘O baka may makakita sa atin, Drew!’’

Bumitaw sa pagka­kayakap si Drew.

‘‘Hindi ko napigilan ang sarili Marianne. Masyado mo akong pinaligaya.’’

‘‘Hindi mo inaasahan na ngayon din kita sasagutin?’’

‘‘Oo. Kaliligaw ko lang sa’yo e sinagot mo na agad.’’

‘‘Bakit pa kita pahihirapan e mahal din naman kita. Noon pa naman ay mahal na kita. Nang i-rescue mo ako sa club, naramdaman ko na nun na mahal kita. At lalo pa kitang minahal, nang tulungan mo si Lola na maoperahan. Kung kaya ko nga lang na magtapat ng pag-ibig, e di ginawa ko na. Hindi ka kasi gumagawa ng hakbang…’’

‘‘Naghahanap pa kasi ako ng tiyempo, ha-ha-ha!’’

‘‘Ang galing naman ng tiyempo mo, pagligaw ay sagot agad.’’

Nagtawanan sila.

Kasunod niyon, nag­simula na silang gumawa ng plano para sa kanilang hinaharap.

Nang mga sumunod na araw, nagka­sunud-sunod ang su­werte nila. Nagbunga na ang kasipagan at pagsisikap nila. Nag-ani sila nang maraming pakwan at melon. Kumita sila nang malaki! (Itutuloy)

EBA

PARAISO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with