_ngayon
^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso(13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nakadaster ang babae habang naliligo sa sapa. Hanggang baywang ang lalim ng tubig. Nakatalikod habang kinukuskos ng kanang kamay ang braso at pagkatapos ay ang mga hita. Bakat ang katawan sa basang daster.

Sa palagay ni Drew ay wala naman talagang balak maligo ang babae sapagkat wala namang dalang sabon o shampoo at maski tuwalya ay wala siyang na­kitang nakasabit sa paligid.

Siguro’y napadaan la­mang ang babae at naka­ramdam ng alinsangan kaya naligo. Nahikayat maligo sapagkat sobrang linis ng tubig sa sapa. Kristal na Kristal ang tubig.

Bagama’t kinakabahan­ si Drew habang pinapanood ang babae, nananaig­ ang nais niyang ipagpa­tuloy ang panonood o pa­ninilip sa babae. Luminga-linga siya sa paligid. Sini­guro niyang walang naka­kakita sa kanya habang pinanonood ang babae. Ngayon lamang siya naka­panood ng ganitong pano­orin. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya na­nilip!

Nang matiyak niyang walang nakakakita sa kanya, inayos niya ang posisyon para lubusang masilip ang babae. Mabuti na lamang at makapal ang mga halaman at damo na pinagkukublihan niya.

Hinawi niya ang dahon at malinaw niyang nakita ang paglulunoy ng babae sa ma­linaw na sapa. Iningatan niyang makagawa ng ingay habang nagkukubli. Delikadong makita siya ng babae kapag nakagawa siya ng ingay. Maaaring magsumbong ito sa mga magulang at ka­patid at hantingin siya. Mapapabalita siya sa buong barangay na isang manboboso!

Inayos pang mabuti ni Drew ang posisyon habang nakasilip. Patuloy naman ang babae sa paghilod ng kamay nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. Hinilod ng pa­lad ang leeg, balikat at bisig.

Hindi humihinga si Drew nang ipasok ng babae ang kanang kamay sa loob ng daster at dinukot ang dalawang “papaya”. Hini­lod-hilod.

Pagkatapos ay ang iti­­­n­aas ang laylayan ng daster at may dinukot sa harapan. Hinilod-hilod din.

Pagkaraang mahilod ng palad ang mga mahahalagang bahagi ng katawan ay lumubog sa tubig ang babae. Ilang beses itong lumubog-lumitaw.

Hanggang sa ipasya na nitong umahon sa sapa.

Nagkandahaba ang leeg ni Drew nang umahon sa sapa ang babae.

Tuluy-tuloy na lu­makad ang babae.

Huminga nang malalim si Drew.

Sayang!

Hindi niya nakita ang mukha ng babae.

(Itutuloy)

SAPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with