_ngayon
^

True Confessions

Monay (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maagang gumising si Joem. Nagluto ng kanyang almusal. Pritong itlog at sinangag na kanin. Mainit na kape.

Pagkakain, naligo na siya. Nagbihis ng uniporme. Inayos ang libro, notebook, ballpen, pad paper at ballpen sa pagkakalagay sa kanyang backpack.

Makaraan iyon ay isinara na niya ang mga bintana, ininspeksiyon ang kalang de gas at pati na ang mga gripo.

Isinara na niya ang bahay at umalis na siya eksaktong alas sais. Lalakarin lamang niya ang patungo sa school. Dalawampung minuto lamang at nasa school na siya. Puwede naman siyang sumakay ng jeep o traysikel pero sayang pa ang pamasahe. Kayang-kaya naman niyang lakarin.

Eksaktong 6:30 ay nasa school na siya. Sa bench na hintayan nila ni Monay siya naupo. Tiyak na maaga rin si Monay dahil nangako siya na papasok ngayon.

Maya-maya, natanaw na niya ang pagdating ni Monay.

“Ay ang aga niya! Kanina ka pa Joem?’’ tanong ni Mo­nay nang makalapit.

“Kararating ko lang.’’

Naupo si Monay sa tabi niya.

‘‘Kumain ka na?’’ tanong ni Monay.

‘‘Oo. Kung may dala kang monay mamaya ko na kakainin, he-he-he!’’

“Meron nga. Eto o ilagay mo sa backpack mo,’’ kinuha ni Monay ang monay at ibi­nigay kay Joem. Isinilid ni Joem sa backpack.

“Anong almusal mo Joem?’’

“Pritong itlog at fried rice.’’

“Wow! Sanay ka nang magluto?’’

“Oo naman. Para prito lang at sinangag.’’

“Talo mo pa ako, he-he-he!’’

“May maid naman kayo di ba?’’

Tumango si Monay.

“Ano ang balak mo nga-yon, Joem. Ibig kong sabihin ano ang pagkakakitaan mo?’’

“Mayroon na akong naiisip baka magtinda ako ng fishball.’’

“May puhunan ka?’’

Sinabi ni Joem na may iniwang pera ang kanyang namatay na ina.

“Yun ang gaamitin ko. Paiikutin ko. Sa hapon ako magtitinda. Marunong naman akong magluto ng fishball dahil nakikita ko si Mama. Pati sauce at suka na sawsawan marunong akong gumawa.’’

Nakatingin si Monay kay Joem. Humahanga sa plano nito.

Maya-maya, nag-bell na.

“Halika na Joem.’’

MAKALIPAS ang ilang araw, isinakatuparan ni Joem ang balak. Nagtinda siya ng fish ball. Patok ang unang araw niya sa pagtitinda. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with