Ahas sa Garden (340)

KINABUKASAN, hinanap ni Alexis ang funeral parlor na nag-asikaso sa bangkay ni Brenda.

Nang matagpuan, tinubos niya ang bangkay. Binayaran lahat nang nagastos. Isang simpleng kabaong ang naging himlayan ni Brenda. Isang araw ibinurol sa mismong punerarya at sa sumunod na araw, ipinalibing niya sa isang pampublikong sementeryo.

Nang maipasok na sa nitso ang kabaong ni Brenda, umusal ng dala-ngin para sa kaluluwa nito.

‘‘Narito ka na sa huling hantungan mo Brenda. Dito na nagtatapos ang istorya ng iyong buhay. Hindi ko alam kung saan ka nagmula. Wala akong alam kung mayroon ka pang mga magulang, ka-patid o kamag-anak kaya. Tanging si Sir Nath ang nakakakilala sa iyo pero dahil sa ginawa mo sa kanya, maaaring tinakwil ka na rin niya.

“Hindi na sana ako makikialam pa sa iyo dahil ako man ay ninais mo ring patayin pero sino ang magmamalasakit sa’yo. Walang ibang magpapa-libing sa’yo at maaaring kalunus-lunos pa ang sapitin ng katawan mo. Malamang na ibenta ka rin ng punerarya kapag hindi ka natubos. Pagkakaperahan ka lang at hindi matatahimik ang iyong kaluluwa. Sa ginawa kong ito, kahit paano ay mayroon kang permanenteng himlayan. Kung may maghaha­nap sa iyong kamag-anak, maa-ring matagpuan ka rito.

“Nagawa ko rin naman ito dahil kahit paano, may nagawa ka rin sa buhay ko. Kung hindi dahil sa mga masasakit na naranasan ko sa’yo, hindi ako magsisikap sa buhay. Natutuhan kong maging matapang para sumubok sa laro ng buhay. At nagtagumpay ako. Narito na ako sa tuktok ng tagumpay.’’

“Paalam, Brenda.’’

Tumalikod na si Alexis at humakbang papalayo.

Natapos na ang istorya ni Brenda.

(Itutuloy)

Show comments