Ahas sa garden (317)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

“SIGURISTA lang ako,” sabi ni Brenda.

Inilabas ni George ang isa pang matambok na sobre.

“Eto ang bayad para sa idedeliber mo mamaya. Buo na ‘yan. Mahusay ka namang magtrabaho.’’

“Mabuti at buo na. Balak ko nang lu­mipat sa condo. Banas na banas na ako sa tini­tirhan ko.’’

“May alam akong condo baka gusto mo. Makaka-discount ka.’’

“Saan yan?’’

Kumuha ng calling card si George.

“Puntahan mo ang taong ‘yan para makalipat ka na sa condo.’’

Kinuha ni Brenda ang card.

“Basta ideliber mo ang epektos mamaya. Open ground party yun. Kailangang-kaila­ngan ang epektos. May sasalubong sa’yo roon.” sabi ni George.

“Akong bahala.’’

Matapos kumain, naghiwalay na sila.

Kinagabihan, di­ne­­­liber ni Brenda ang ecstacy sa pinag-usa­pang lugar.

Kinabukasan, pi­nun­tahan ni Brenda ang may-ari ng calling­ card na may kontak sa condo. Iglap lang at nakalipat sa condo si Brenda. Balik uli siya sa malamig na kuwarto.

Kinontak uli siya ni George at may pinagawa uli sa kanya. Marami siyang idedeliber na epektos­.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with