Ahas sa garden(133)

“SIGE kung ayaw mong magbakasyon sa inyong probinsiya ay nasasaiyo ‘yan. Ang gusto ko lang ay makapag-relax ka Alexis dahil puro ka trabaho. Wala ka nang time para sa relaxation,” sabi ni Sir Nath.

Pero lihim namang nakangiti si Alexis. ‘Yan ang akala mo!

“Talagang ayaw mong magbakasyon kahit isang linggo, Alexis?’’

“Ayaw ko po. Mas ma­ganda po rito.’’

“Hindi ka ba nagsasawa­ rito? Lagi kang narito sa loob at halos araw-araw ay iisa ang ginagawa. Ni hindi ka na nakakapang-chick, he-he-he!’’

Muli lihim na napangiti si Alexis. ‘Yan ang akala mo!

“Sige ipagpatuloy mo na ang ginagawa at may kukunin lang ako sa kuwarto,” sabi ni Sir Nath.

Nang makaalis si Sir Nath, tinawag siya ni Brenda.

Lumapit siya.

“Anong sinabi sa’yo ng ugok?’’

Sinabi ni Alexis.

“Pumayag ka?’’

“Hindi!’’

“Mabuti! Taktika lang niya yun para ka mapaalis dito!” (Itutuloy)

Show comments