^

True Confessions

Sadiq(148)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“IKAW pa lang ang ka­una-unahan kong pinagtapatan nito Sadiq. Alam ko kasing mabuti kang tao at hindi nanghuhusga. Maski kay Inay at sa kapatid ko, hindi ko sinasabi na bading ako. Pero siguro ay nagtataka na rin sila kung bakit ayaw kong mag-asawa,’’ sabi ni JayR.

“Salamat sa tiwala mo JayR. Ang maipapayo ko lang ay gayahin mo ang ginawa ko. Pinilit kong tinalikuran ang dati kong daigdig at naghanap ako nang babaing mamahalin habambuhay. Nanalangin ako sa Diyos na pakinggan ang kahili­ngan at dininig niya ako. Nakilala ko si Gina na tinanggap ako nang buung-buo at minahal ako nang labis. Napakasu­werte ko sa pagkakaroon ng asawang katulad ni Gina. At naniniwala ako na darating din sa’yo ang babaing para sa iyo basta hilingin mo lang sa Diyos, JayR. Kaya kalimutan mo ang sinabing hindi ka mag-aasawa. Kailangang mag-asawa ka para ganap na matalikuran ang iyong daigdig.’’

Napatangu-tango si JayR bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Sadiq. Unti-unting lumalakas ang kanyang loob. Nagkakaroon ng hugis ang lahat. May nakikita siyang tilamsik ng liwanag.

“Kung ako nga na mara­ming pinagdaanan at na­ging karanasan ay nagawang talikuran ang dating mundo, ikaw pa kaya na wala pa namang masasa­bing mabigat na kasalanan. Kaya mo yan, JayR. Kung ako, nakayang talikuran, mas kakayanin mo. Basta isipin mong kaya mo. Kakayanin mo dahil gusto mo. Kaya mong talikuran ang lahat dahil mayroon kang inaasam para sa buhay mo.’’

“Kaya ko Sadiq. Mula ngayon, iba na ang pagkakilala ko sa aking­ sarili. Kaya kong ta­li­kuran ang dating mundo!’’

“’Yan ang gusto ko. Sige, sasabihin ko kay Gina na tulungan kang makakita ng babaing magmamahal sa iyo nang labis. Yung katulad din dapat ni Gina ang kailangan mong makaisangdibdib.’’

(Itutuloy)  

vuukle comment

SADIQ(148)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with