Sadiq (122)

ISANG araw, kinausap ng tatlong anak sina Sadiq at Gina ukol sa kanilang negosyo. Ang pa­nga­nay na si Cath ang nagsalita.

“Daddy, Mom­my, kailangan na nating kumuha ng wor-kers para sa ating business. Hindi na natin kaya ang workload. Masyado nang maraming gawain at kailangan na ang katulong. Kapag hindi natin ginawa yun, hihina ang ating produksiyon at baka iwanan tayo ng kostumer.’’

“Aba sige kumuha tayo ng mga makakatulong. Mga ilan sa palagay mo Cath?’’

“Mga anim ay puwede na Dad.’’

“Okey sige. Magpa-ad tayo sa newspaper na nangangailangan tayo ng crew para mabilis tayong makakuha.’’

“Sige Dad. Isa pang dahilan kaya naisip naming kumuha ng crew ay para hindi na kayo nagtatrabaho ni Mommy. Kami na lamang ang magtutulung-tulong.’’

“Salamat mga anak!’’(Itutuloy)

Show comments