^

True Confessions

Sadiq (90)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINUWENTANG ma­buti ni Sadiq ang ma­gagastos sa itata­yong food business. Kailangan ay may pang-akit ang stall na ilalagay niya sa isang pinto ng kanyang apartment. Yung nasa tabi sa dakong kanan ang gagawin niya sa­pagkat nasa corner. Malapit sa sakayan ng dyipni at traysikel. Maraming tao palagi roon kaya siguradong may customer agad ang business niya.

Siguro naman ay hindi siya gagastos nang malaki sa stall. Hindi naman kaila­ngan na mamahaling­ materyales ang gamitin para mabuo ang stall. Basta ang maha­laga, presentable ang desenyo, malinis, ka­aakit-akit sa mata ang kulay. May kakilala siyang mahusay sa design, pakikiusapan niyang ito ang gumawa.

Kailangan kung pipili siya ng pangalan ng negosyo lalo kung ukol sa pagkain, dapat tatatak sa isip ang pa­ngalan.

Marami na siyang na­isip na pangalan pero dapat rebyuhin muna niyang mabuti isa-isa. Kapag nakapili na siya saka niya sasabihin kay Gina. Kukunin niya ang opinyon nito. Kukunsultahin din niya ang tatlong anak ukol sa magiging pangalan ng business nila. Tiyak kasing maraming kabataan ang tatangkilik ng produkto niya.

Kapag nakuha niya ang opinyon ni Gina at tatlong anak, dapat na niyang umpisahan ang negosyo. Kaila­ngan niyang kumuha ng business permit at pagkatapos, maaari na siyang bumili ng mga gamit para masimulan nang gawin ang stall. Mayroon siyang kakilala na mahusay na karpintero.

Kinabukasan, si­nabi niya kay Gina ang balak.

“Ituloy na natin ang food business, Mommy. Pinag-aralan ko nang lahat. May posibilidad na umunlad ito.’’

“Ikaw ang bahala, Daddy.’’                  (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with