Sa Piling ng Kalapati(174)

NAPANSIN ni Ruth na enjoy na enjoy si Keiko sa pag-stay sa Pilipinas. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkakuntento. Secured na secured ang damdamin. Siguro’y da­hil mayroon na itong ina na nagmamahal sa kanya ng labis.

Labis ang pagka­tuwa niya kay Keiko sapagkat tuwing dara­ting siya galing sa opisina ay excited itong sasalubungin siya sa pinto at saka hahalikan siya.

Itatanong kung ano ang mga hap­pe­nings­ sa office. Ano ang kinain sa lunch at kung anu-ano pa. Natutuwa siya kay Keiko na para bang inosente sa pagtatanong.

“Marami akong gi­nawa sa opis Keiko. Sobrang dami.’’

“Masipag ka kasi Ruth. Ako hindi ga­anong masipag.’’

“Why hindi ka ga­anong masipag?’’

“Ewan ko Ruth. Basta feel ko, hindi ako mas­yadong masipag.’’

Nagtawa na lamang si Ruth. Para kasing nagbibiro lamang si Keiko. Pinatatawa lamang si­guro siya nito.

“Turuan mo akong maging masipag, Ruth.’’

“Binibiro mo naman ako Keiko. Alam ko, ma­sipag ka. Kung hindi ka masipag, mag-aaral ka ba sa ibang bansa.’’

Nagtawa si Keiko.

“Yes, Ruth I’m joking­. Pinatatawa lamang kita.’’

“Sabi ko na nga ba!” at saka inambahang kukurutin si Keiko.

Lalong nagtawa si Keiko.

Sinabi ni Ruth kay Mommy Donna ang nakikitang kakaibang kasayahan ni Keiko.

“Enjoy na enjoy si Keiko, Mommy. Gustung-gusto niya rito.’’

“Oo nga. Feel na feel ko, Ruth.’’

(Itutuloy)

Show comments