Sa Piling ng Kalapati (172)

HINDI matapus-tapos ang pagpapasalamat ni Keiko sa ina nang makarating na sila sa condo. Napa­kasaya ni Keiko. Noon lang nakaranas mamili na kasama ang ina.

Niyakap ang ina nang mahigpit.

“I love you so much Mommy. Ayaw ko nang matapos ang ganito. Na­pakasaya ko!’’

“Ako man, Keiko. Ayaw ko ring matapos ang mga sandaling ganito.’’

“I wish na pagbalik ko sa Japan, kasama na kita. At pagbalik ko rito, kasama rin kita. Para hindi na tayo nagkakahiwalay. Laging magkasama like sa pamimili ng mga damit…’’

“Pero paano kung may work ka sa Japan at ako e mga three months lang ang visa. Baka ma­ka­abala ako sa’yo.’’

“No. Sino ba ang maysabi na magwo-work ako. Marami na akong ari-arian at aanhin ko pa ang work e meron na akong sobra-sobrang pera. Kaya lang naman ako nagpursiging mag-aral ng languages ay para na rin sa self-fullfilment at isa pa para matupad ang pangarap ni Papa. Pero ngayong sobra-sobra na ang yaman ko, palagay ko, dapat hindi na ako magpaka-stress. At ngayong tayong dalawa na lang ang magkasama, ikaw na lang ang paglilingkuran ko. Kaya travel tayo nang travel kahit saan.

“Ayaw ko ngang magkalayo pa tayo, Mommy. Tama na ang matagal na panahong magkahiwalay­ tayo. Kung saan ako naroon, dapat naroon ka rin. Hindi na tayo magkakahiwalay.’’

Napaiyak si Mommy Donna.

Tapos na nga ang mga paghihirap niya. Na­tapos na ang mga pasakit at kirot, ngayon ay pawang kaligayan naman ang tatamasahin niya. Tama nga ang sinabi ni Keiko, lahat ng mga sakit ay mapapalitan ng saya at walang ka­tulad na ligaya.

Nasasabik na siya sa mga sinabi ni Keiko na magta-tra­vel na lang sila nang magta-travel. Yun ang gusto niya.

(Itutuloy)

Show comments