Nunal (55)

HUMUGOT nang malalim na buntunghini­nga si Mahinhin bago nagsimulang magkuwento kay Robert ng mga nangyari sa dating pinagtatrabahuhang Pugad-Uwak KTV club kung saan, siya ang star dancer.

“May nangyari sa Pu­gad-Uwak kaya napilitan na akong umalis.”

“Anong nangyari?’’

“Gusto akong ibahay ng Chinese na may-ari ng Pugad-Uwak. Sabi ko, hindi kasama sa usapan iyon. At isa pa, sinabi kong hindi ako bayarang babae. Magsasayaw lang ako at magbibilad ng katawan pero hindi magpapagalaw. Maliwanag ang usapan namin noong pumasok ako.’’

“Ano ang sabi ng Tsekwa?’’

“Puwede naman daw mabago ang usapan. Ba­liw lang daw ang hindi nagbabago ng pasya.’’

“Sabi ko sa kanya, hindi ako mumurahing babae. Hindi porke at nagbubuyangyang ako ng katawan e maaari na akong ibahay at gawing laruan.’’

“Anong sagot?”

“Aba sabi ba naman ng Dirty Old Man na Tsekwa, masyado raw akong maarte. Hindi na raw uso ang maarte. Namamatay daw na dilat ang mga mata ng maaarte. Sagot ko naman, kahit mamatay ako nang dilat kaysa naman madilaan ng DOM. Aba lalong naga­lit, lumayas na raw ako at baka kung ano ang magawa niya. Sabi ko, talagang aalis ako.’’

“Umalis ka agad?’’

“Hindi pa. Kasi’y mayroon pa siyang hindi naibibigay na bayad sa huling show ko. Sabi ko bayaran niya ako. Hindi ako aalis hangga’t hindi niya ako binaba­ya­ran.’’

“Binayaran ka?’’

“Yun pala mayroon  siyang binabalak --- masamang balak!’’

(Itutuloy)

Show comments