Nunal (24)

WALANG nakaaalam ng kanyang pagtungo sa Bgy. Maragooc. Maski ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay walang naka­alam. Biniro lang siya ng da­lawang kasamahang lalaki na baka mag-aasawa na raw kaya magbabakasyon nang matagal. Ang dalawa ay ang kasama niyang naghahapi-hapi sa Pugad-Uwak KTV club kung saan niya nakitang nagsasayaw si Bianca Nunal.

“Saan ka magbaba­kasyon, Rob? Baka naman mag-aasawa ka na e nililihim mo lang.’’

“Oo nga. Imbitahin mo naman kami para matikman ang matagal mong pinag-ipunan.’’

Ngumiti lang siya. Wala siyang sinabing anuman para hindi na humaba ang panunukso sa kanya. Marami sa kanyang kasamahan ang naiinip sa kanyang pag-aasawa. Huwag daw sa-yangin ang lahi niya. Huwag daw buruhin. Kailangan daw e maisalin niya ang naka-imbak sa tubo.

Mahigit isang buwan siyang leave. Pinayagan siya ng kanyang manager. Marami kasi siyang hindi nagamit na vacation leave. Pawang trabaho kasi ang inatupag niya kaya hindi naharap ang paghahanap ng makakasama habambuhay. At ngayon ay tila desperado na siya na makakita nang pakakasalan. At isa nga sa kanyang pinagbatayan sa paghahanap ng babaing kakasamahin ay yung may nunal sa likod ng tuhod.

Pero wala siyang makita na may nunal doon. Meron siyang nakita noon pero may siyota na.

At nang nakita niya ang dancer na si Bianca na may nunal sa likod ng hita ay nagpasya siyang ito na ang pag-ukulan ng panahon. Malapit na rin naman ang nunal nito sa talagang target niya. At isa pa, parang nabighani talaga siya ni Bianca – super ganda ng katawan, makinis, maganda ang porma ng boobsie, maganda ang mukha. Wala siyang itatapon kay Bianca. Agad siyang nag-imagine kahit na hindi siya kilala ni Bianca. Para nga siyang engot na hindi pa naman nakikilala ang babae e umasa agad na magi-ging kanya na ito. Ganun kala­kas ang “figh-ting spirit” niya. At ito nga ang kinahan­tungan niya -- nasa isang lugar siya na ngayon lang niya narating. First time niyang makapunta sa lugar na liblib na wala pa yatang kuryente at walang koneksiyon ng internet o cell phone. Bagamat may kalsadang konkreto, yun ang nakita niya. Sabagay, dapat lang na unahin ang kalsada at saka isunod ang kuryente.

Patuloy sa paglalakad si Robert at wala siyang ideya kung malayo pa siya sa mga kabahayan. Wala pa siyang nakikitang bahay. Lakad uli siya. Enjoy naman siya sa paglalakad.

Hanggang sa makaramdam siya ng pagdyinggel. Lumingun-lingon siya at baka may tao. Wala. Nagtungo siya sa madamong bahagi sa may gilid ng kal­sada. Nakita ang punong niyog. Doon siya nagkubli at umihi. Ang sarap nang pakiramdam niya pagkatapos.

Pabalik na siya sa kalsada nang paghakbang niya, isang kobra ang nasa harapan niya. Nakataas ang ulo at tutuklawin siya! (Itutuloy)

Show comments