Black Widow (134)

MAAARI raw siyang tuklawin ng kaibigang si Jam. Iyon ang babala ni Pete kay Marie bago sila naghiwalay. Kahit daw magkaibigan sila, hindi iyon pahahalagahan ni Jam. Sayang at nagmamadali siya. Gusto pa sana niyang makipagkuwentuhan kay Pete pero wala nang oras dahil naghihintay sa kanya si Jose sa kanilang tagpuan. May dinner date sila sa paboritong Japanese house. Hindi nila pinagsasawaan ang masarap na salmon.

Nang dumating siya sa restaurant ay naroon na si Jose. Nag-order na ito.

“Na-late ka yata, Sweetie pie?’’ Tanong ni Jose. Mula nang ma-ging magkasintahan  sila, sweetie pie na ang tawag nito sa kanya. Wala naman siyang ma-itawag dito kaya Jose   na rin lang.

“May nangyari, Jose kaya ako na-late.’’

“Ano na naman ang nangyari Sweetie pie.’’

“Nagkasalubong kami ni Pete.’’

“Sinong Pete? Hindi ko yata kilala yun, Sweetie pie.’’

“A oo hindi ko pa yata naikukuwento sa’yo. Si Pete ang dating asawa ni Jam.’’

“Ah yes, naaalala ko na. Kinuwento mo na minsan. Ano ang nangyari nang makasalubong mo si Pete?”

“Binigyan niya ako ng warning ukol sa dating asawa.”

“Anong warning?”
“Mag-ingat daw ako kay Jam. Baka raw tuklawin ako na parang ahas.’’

“Aba mabigat yan. Hindi magbababala si Pete kung walang ba-sehan. Mas mabuti pa    nga mag-ingat ka.”

“Ano kayang gagawin?”

“Basta maging alerto ka.’’

ISANG gabi, dakong alas siyete. Inaaba-ngan ni Jam ang pag­labas ng kotse ni Jose sa parking area na nasa basement.

May kalaha-ting oras na siyang naghihintay dun at naiinip na siya. Sinigurado naman niyang pumasok si Jose kaya nga nag-abang na siya. Pero bakit wala pa. Iisa lang naman ang exit mula sa basement.

(Itutuloy)

Show comments