Halimuyak ni Aya (446)

“ABDULLAH Al-Ghamdi po Doc,” sabi ni Tita Imelda. “Alam mo po pala ang tungkol kay Sam, Doc.’’

“Oo. Noon pang estud-yante siya ay alam ko na na anak siya ng isang Saudi National.’’

“Alam na rin po ni Doktora?”

“Oo pero marami pang hindi alam itong si Doktora. Di ba Sophie?”

“Oo. Ang alam ko lang ay anak nga siya ng isang Saudi at maliban doon e wala na. Ano nga ba ang istorya Paolo?”

“Dati umanong maid ang mother ni Sam sa Saudi Arabia at nagkaroon ng relasyon sa anak ng amo. I heard, binatilyo pa lamang ang Saudi, tama ba Imelda?”

“Opo. Mga 15 or 16 lang.’’

“Ang bata pa!” sabi ni Doktora. “Paano nangyari? At anong name ng mother ni Sam?”

“Cristy po. Umibig po si Cristy kay Abdullah at nagtalik sila. Hanggang sa mabuntis ang mother ni Sam. Nang mabuntis, tumakas siya sa bahay. Kasi natakot siya sa maaaring gawin ng mga magulang     ni Abdullah kapag nabisto ang pagbubuntis.’’

“A, nahuhulaan ko na. So tumakas si Cristy at nagtungo sa embassy?”

“Opo. Sa Philippine Embassy po at mula roon na-repatriate siya. Sinabi po niya na na-rape siya ng amo kahit na hindi.’’

“Ibang klase pala ang istorya,” sabi ni Doktora.

“Parang sa teleserye ano, Sophie?”

“Oo nga.’’

“Sa totoo po, napamahal pala kay Cristy si Abdullah at hinanap ito sa embassy pero hindi nakita.”

“Ibig mong sabihin, hinanap ni Abdullah si Cristy habang nasa shelter doon?” tanong ni Doc Paolo.

“Opo.”

“Ibig sabihin, mahal niya si Cristy.”

“Oo nga po.”

“May magagawa ka ba para makita ni Sam ang father niyang Arabo?”

“Tatawagan ko po ang kaibigan ko sa Riyadh, Doc.”

“Please, Imelda.”

(Itutuloy)

Show comments