^

PSN Showbiz

Antonio Aquitania, hindi itinatago ang asawa't anak

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi kaya nagsisisi ngayon ang dating Miss Universe/actress na si Dayanara Torres na nakipagkalas siya kay Aga Muhlach na kanyang ipinagpalit sa "Salsa King" na si Marc Anthony?

For sometime, ay naging Pinay si Dayanara nang ito’y mag-artista sa Pilipinas at ma-in love kay Aga. Ang buong akala ng marami ay sa altar mauuwi ang relasyong Dayanara-Aga pero tulad ng ibang mga relasyon, sa hiwalayan ito nauwi. 

Naging blessing in disquise naman ang paghihiwalay nina Dayanara at Aga dahil isa ring beauty queen ang ipinagpalit ni Aga kay Yari (Dayanara) sa katauhan ng dating Miss Universe runner-up at naging best-friend dito sa Pilipinas ni Yari, si Charlene Gonzales.

Kabaliktaran nina Yari at Marc Anthony na meron na ring dalawang anak,  masayang-masaya ang pagsasama nina Aga at Charlene at biniyayaan na rin sila ng dalawang malulusog at magagandang kambal, sina Andres at Atasha.
* * *
Parehong maswerte ang magkasintahang Rufa Mae Quinto at Rudy Hatfield sa isa’t isa dahil nagkakatulungan sila.  Marami ang nagsasabi na maswerte si Rufa Mae sa pagkakaroon ng kasintahan sa katauhan ni Rudy at ganoon din naman si Rudy kay Rufa Mae. 

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa. Pero there was a time na nagkahiwalay ang dalawa pero muling nagkabalikan. Ngayon ay mas matatag na ang kanilang relasyon although wala pa sa kanilang mga plano ang pagpapakasal. Masyado pa silang focused sa kanilang respective careers - si Rufa Mae bilang actress at sa kanyang pagiging isang business woman bilang isang professional basketball player. Pero ang nakakatuwa, mahal sila pareho ng kanilang respective  families. 

Kung mahal si Rufa Mae ng pamilya ni Rudy, ganoon din naman si Rudy sa pamilya ni Rufa Mae.

Nang subukan ni Rufa Mae ang makipag-co produce sa Viva Films sa pelikulang Masikip sa Dibdib na dinirek ni Bb. Joyce Bernal, hindi siya nahirapang kumbinsihin ang kanyang nobyong si Rudy para maging leading man niya sa pelikula. 

Wala silang talent fee na pinag-usapan at doon sa apat na shooting days ni Rudy ay nag-enjoy umano siya pero hindi ito nangangahulugan na tuluy-tuloy na ang kanyang pag-aartista dahil. He just did it for Rufa Mae.

"Kung suswertehin ang pelikula sa takilya, gusto kong magtuluy-tuloy ang pagku-co produce with Viva  dahil gusto kong matulungan ang maraming tao sa industriya," ani Rufa Mae.

Seventy-thirty umano ang partnership nila ng Viva.  70% sa Viva at 30% naman sa kanya.
* * *
Paki ng ating kasamahang si Jobert Sucaldito:  Lahat ng sektor ng lipunan, pera pa rin ang bottomline ng problema ng lahat. 

Palagi na lang nagsisintir ang ating mga kababayan sa tuwing nakaharap sa katotohanan - mataas na ang bilihin, magulong kapaligiran, kahirapan ng buhay, ng negosyo lalo na sa medium-scale business entrepreneurs at yung hirap para maka-achieve ng loans to start life. Lahat ng pulitiko ay isa ang sinisigaw tuwing darating ang halalan - "Kami ang bahala sa inyo! Bibigyan namin kayo ng tahimik na kapaligiran at mabutong buhay."

Kaya dapat ay mag-isip tayong mabuti sa mga tao o organisasyong dapat nating iluklok sa pamahalaan. Sa libu-libong party lists na nakalista sa balota, isa lamang ang dapat nating pagkatiwalaan - ang tunay na kasagutan sa mga problema nating lahat - ang  S.M.I.L.E. Party List!
* * *
Hindi aware ang marami na magpinsang-buo sina Karla Estrada at Antonio Aquitania. Ang American dad ni Karla at American mom ni Antonio ay magkapatid. Ang mommy rin ni Antonio ang naging tulay para makilala ni Karla ang kanyang tunay na ama na Ford ang apelyido kaya Ford din ang middle name ni Antonio.

Taong 1995 nang pasukin ni Antonio ang showbiz. Si Ogie Diaz ang nagpakilala sa kanya sa talent manager na si Douglas Quijano. Sa Bubble Gang nagsimula si Antonio at ipinakilala naman siya sa pelikulang Impakto ni Gelli de Belen nung 1996 sa bakuran ng Regal  Films. Dahil sa pagpasok niya sa showbiz, nahinto si Antonio sa kanyang pag-aaral ng Communication Arts sa Holy Angel University sa Angeles, Pampanga at hanggang second year college lamang ang kanyang inabot.

Hindi rin itinatago ni Antonio na siya’y may asawa na’t anak. Ang kanyang misis ay non-showbiz, si Chalie at may isa na silang anak, si Kurt Ross na dalawang taong gulang na ngayon. 

Hindi tulad ng ibang male celebrities, si Antonio ay hindi na-link kaninuman sa showbiz although aminado siya na crush niya ang ex-girlfriend ni Jeffrey Quizon na si G. Toengi.

Si Antonio ay isa sa mga leading men ni Rufa Mae Quinto sa  pelikulang Masikip sa Dibdib na dinirek ni Joyce Bernal sa ilalim ng Viva Films.

vuukle comment

ANTONIO

DAYANARA

JOYCE BERNAL

KANYANG

MAE

RUDY

RUFA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with