^

PSN Showbiz

Historic collaboration...Showtime umpisa na sa April 6 sa GMA!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Historic collaboration...Showtime umpisa na sa April 6 sa GMA!
ABS-CBN at GMA execs at Its Showtime hosts at execs
STAR/File

Eat Bulaga, babalik ng Tahanang Pinakamasaya

Ayun na, pormal nang inanunsyo ng GMA Network at ABS-CBN Corp. ang kanilang ‘historic collab’ sa pagpapalabas ng noontime variety show na It’s Showtime sa GMA mula Lunes hanggang Sabado, 12 ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon, simula 6 Abril 2024 (Sabado).

Dumalo ang mga opisyal ng GMA at ABS-CBN kasama ang mga sikat na host ng It’s Showtime sa contract signing ceremony na ginanap sa GMA Studios.

Pinangunahan ang event ng mga executive ng GMA Network na sina Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at GMA Films President at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ang mga kumatawan sa ABS-CBN ay sina Chairman Mark L. Lopez, President at CEO Carlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Cory V. Vidanes, at Group Chief Financial Officer Rick B. Tan.

Kasama rin sa event ang mga host ng It’s Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Darren, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, at Cianne Dominguez.

Ang unprecedented move na ito ay patunay sa layunin ng GMA at ABS-CBN na magbigay ng mga magagandang programa at maglingkod sa bawat Pilipino.

Malugod na pagtanggap ang ipinaabot ng GMA Network sa It’s Showtime at itinuturing ito bilang welcome addition sa patuloy na dumaraming programa nito para sa Kapuso viewers sa loob at labas ng bansa.

Taos-puso namang nagpasalamat ang ABS-CBN at ang programa sa GMA sa pagbubukas nito ng pinto at pagbibigay ng bagong plataporma para makapaghatid ng entertainment at saya sa mas maraming manonood sa buong bansa.

Bongga, talagang dati mina-manifest lang ito ng ibang fans pero ngayon, ayan na, naganap na.

Totoo ‘yun sabi ni Anne na parang surreal talaga.

Sinong makakaisip na magiging Kapuso na sina Vice Ganda, Kim Chiu, Darren Espanto, Ryan Bang, Ion Perez at iba pa?

Samantala, totoo bang babalik sa APT Studios ang Eat Bulaga na binakante ng Tahanang Pinakamasaya?

Talagang hindi mo alam ang mangyayari sa paligid noh.

vuukle comment

ABS-CBN

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with