^

PSN Showbiz

Social views ng Can’t Buy Me Love tumabo ng 500m

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Social views ng Can�t Buy Me Love tumabo ng 500m
Belle Mariano at Donny Pangilinan

Bongga, tinutukan pala ng manonood ang teleseryeng Can’t Buy Me Love ng favorite kong si Belle Mariano dahil sa sunud-sunod nitong pasabog, rebelasyon pati na ang kwela nitong eksena kaya naman umani na raw ito higit 500 million views ang serye sa  Facebook, TikTok, Instagram, at Twitter this February.

Araw-araw laman nga ng social media ang serye dahil nga sa samu›t saring teorya ng manonood sa nakaraan nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano). Bukod sa pausbong nilang relasyon na kinakikiligan ng kanilang fans, tuwang-tuwa rin at trending ang nakatatawang eksena nina Snoop (Anthony Jennings) at Irene (Maris Racal).

Ngayong linggo, natunghayan ng manonood ang grand entrance ni Annie (Ina Raymundo) na ikinagulat ni Gina (Ruffa Gutierrez). Takot na takot nga ito kung ano ang pakay nito sa kanyang pagbabalik.

Sa totoong buhay ba may relasyon sina Donny at Belle?

Suwerte ni Donny kung sila nga ni Belle na parang ang bait-bait.

GMA nagkaroong Bloodletting

Bongga ang GMA Regional TV. Ngayong love month pala ay nagkaroon sila ng bloodletting activity na idinaos noong Friday (February 9).

Marami raw nag-donate ng dugo sa kanilang bloodletting sites sa Dagupan, Ilocos, Cebu, Iloilo, Bacolod, Bicol, Batangas, Davao, Cagayan de Oro, General Santos, at Pampanga.

vuukle comment

BELLE MARIANO

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with