Miles, cancer free na!

Miles Ocampo

Cancer free na si Miles Ocampo pagkatapos sumailalim sa thyroid surgery.

Ito ay dahil naagapan daw ang sakit niya.

Inamin niya na malignant at ang laki na raw ng bukol at possible talagang kumalat.

Pero dahil naagapan, ayon sa kanyang interview kay Karen Davila, gumaling siya.

Bukod dito, naka-move on na rin si Miles sa nangyari sa kanila ni Elijah Canlas.

Two years din ang kanilang naging relasyon.

“Siyempre, Miss Karen, hindi rin naman biro ‘yung mga pinagdaanan namin, of course. May mga bagay na kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa. So, might as well, be friends for now,” sabi niya na first jowa niya pala.

Show comments