^

PSN Showbiz

Regine, nag-research para sa rock concert

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Regine, nag-research para sa rock concert
Regine Velasquez

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Regine Velasquez para sa Regine Rocks concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa November 25.

Ayon sa Asia’s Songbird ay kinailangan pa niyang mag-research tungkol sa mga rock songs na kanyang kakantahin sa naturang concert. “We have been preparing for it. I have been preparing for it. It’s so exciting pala. While I was rehearsing, I was also trying to research about the songs. Kasi ‘di ko maintindihan ‘yung mga kanta eh. Ano ba sinasabi ng kanta? Hindi ko maintindihan ‘yung mga lyrics. So, I kind of have to do my research. So, I know what I’m singing kasi ang hirap naman no’n,” pagtatapat ni Regine.

Marami umanong natutunan ang singer pagdating sa rock songs mula sa mga kilalang rock bands katulad ng Led Zeppelin, Queen at Bon Jovi. “I’ve learned so much, a lot of these songs have a deep meaning. ‘Oo nga ano, they were young kids when they were writing these songs,” dagdag pa niya.

Para kay Regine ay talagang dapat na pakaabangan ng mga tagahanga ang nalalapit na concert.

Ibang-iba umano ang masasaksihan ng mga manonood kumpara sa mga nagawa ng singer sa nakalipas na mga dekada. “I never thought that I could actually sing a rock song. This is probably one of the most exciting concerts na gagawin ko, only because it’s so different from what I usually do,” pagtatapos ng Asia’s Songbird.

Andoy: ‘hindi naman ako Vice Ganda!’

Kahit abala sa pagiging isang direktor ay muling naranasan ni Andoy Ranay ang pagiging artista sa harap ng kamera.

Isa ang director-actor sa mga bida ng pelikulang Broken Hearts Trip na pinangungunahan ni Christian Bables.

Ang naturang proyekto ay isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. “It’s fun. It’s like coming home because I am a theater actor. Nagsimula ako bilang talent no’ng 1990s, nagta-talent ako no’n. Do’n nagsimula na, ‘Gusto ko maging direktor balang araw.’ Kasi ayaw nila akong kunan kaagad kasi talent lang naman ako. Do’n ako nagkaroon ng batas ng api moment na balang araw magiging direktor ako. Good thing because this year I went back to acting for theater,” nakangiting kwento ni Andoy.

Isang malaking karangalan para kay Andoy na mapabilang sa isang makabuluhang pelikula.

Masaya rin ang director-actor sa pagkakapili sa Broken Hearts Trip na mapabilang sa MMFF ngayong Kapaskuhan. “I think it’s also because of the diversity of the casting because the casting itself is very diverse. Hindi siya ‘yung the usual, hindi naman kami sikat. Hindi naman ako Vice Ganda. The usual na nakukuha ay ‘yung mga malalaking artist. But this time, I believe the MMDA kasi sila ‘yung namili, and ‘yung ibang mga tao, diversity rin ng mga films na kasama dahil it’s a festival. Iba’t ibang klase, iba’t ibang putahe. At saka Pasko, Merong maihahandog ang Metro Manila Film Festival na for LGBT. Para nagiging inclusive naman sila, so I believe isa ‘yon na dahilan kung bakit napili,” pagbabahagi ng director-actor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

REGINE VELASQUEZ

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with