Apelyido ni Paolo, pinatatanggal ng mga anak?!

Lian at mga anak
STAR/ File

Ayaw raw munang magsalita ni Paolo Contis na kasama nga siya sa mga bagong host ng Eat Bulaga.

‘Yun nga lang, totoo kayang in the bag ang demandahan oras na pumasok ang ibang host sa programa?

Samantala, ayaw na rin daw mag-react ni Paolo tungkol sa isyung ipatatanggal na ang apelyido niya ng mga anak kay Lian Paz.

Nauna na ngang sinabi ni Lian na “It is the kids request matagal na and actually kay john pa nila sinabi before sa akin,” matapos niyang i-post ang  “My High Honors, continue to Honor the Most High!!!  always be grateful to God and the people who truly loves and cares for you!

“Mama and Dada is always here for both of you!!! dadating din yung time for what you have been requesting for matagal na… yan din ang gusto ni daddy nyo.

“Congratulations again! Great Job this school year! To God be the glory!

“Xonia Aitana

“Xalene Abriana.”

Sina Xonia at Xalene ang anak ni Paolo kay Lian na tumanggap ng special awards recently.

Si Paolo naman ay bongga ang itinatakbo ng career sa kabila ng mga ibinabatong intriga sa kanya bilang ama sa anak kina Lian at LJ Reyes na engaged na sa non-showbiz guy, si Philip Evangelista.

Show comments