John Regala binawian ng buhay sa edad na 58; Carlo Caparas buhay na buhay!

John Regala

Ang bata pang binawian ng buhay ng veteran actor na si John Regala kahapon ng umaga.

Namatay nga siya sa edad na 58.

Nakilala ang aktor sa kanyang mga kontrabida role noong dekada ‘80s hanggang ‘90s.

Matagal nang may karamdaman si John, kidney complications.

Ang former talent manager ni John, si Tita Aster Amoyo, ang nagkumpirma ng pagpanaw ng aktor.

“Veteran actor John Regala (John Paul Guido Boucher Scheerer) - 58 died this morning at 6:28 am due to multiple ailments. Let us all pray for the enternal repose of his soul.

“(May 28, 1965 - June 3, 2023)

“Wake is at St. Peter Chapels - Commonwealth Ave., QC starting tomorrow, June 4. Interment to be announced later.”

Huling napanood si John sa FPJ’s Ang Probinsyano bago nag-pandemic.

Samantala, kumalat na pumanaw na rin daw kahapon si Direk Carlo Caparas. Pero walang nagbigay ng confirmation hanggang nakumpirmang fake news.

Mabilis ding nilinaw ng kapatid nito na Peach Caparas sa kaibigang si Jobert S. na “That’s his pic taken last week just before the rain. Ha!ha! He’s totally fine!” Di raw totoong patay na daddy nila. Fyi lang sa nagkakalat that Direk Carlo J. passed away.”

Show comments