Dirty Linen Stars, nakisaya sa Magayon Kapamilya Karavan

Dirty Linen Stars

Pinangunahan ng Dirty Linen actress na si Janine Gutierrez ang mga ABS-CBN artist, kabilang ang lead tandem ng Teen Clash na sina Jayda at Aljon Mendoza, mga co-star sa Dirty Linen na sina Sean Tristan at Raven Rigor, at dating Pinoy Big Brother housemate na si Eian Rances, ang pakikisaya sa maraming manonood sa Magayon Festival Kapamilya Karavan sa Legazpi City.

Pinasaya nila ang madla nang awitin ni Janine ang Jopay ng Mayonnaise, habang kinanta naman nina Raven at Sean ang Hanggang Kailan ng Orange and Lemons at Give Me Your Forever ni Zack Tabudlo.

Pinakilig naman nina Jayda and Aljon ang manonood nang kantahin nila ang Simpleng Tulad Mo ni Daniel Padilla. Ipinarinig din ni Jayda ang kanyang kantang M.U. (Malabong Usapan).

Natunaw rin ang mga puso ng fans nang awitin ng ex-PBB housemate na si Eian Rances ang Little Things ng One Direction.

Show comments