Chavit Singson, nagsalita sa relasyon kina Pops, Vina at Yen Santos!
Dumating sa bansa kahapon ang Korean actor na si Lee Seung-Gi. Sakay siya ng private plane ni former governor Chavit Singson.
Katatapos lang ikasal ng Korean actor at kagagaling din nito Tokyo and Osaka para sa kanyang Asian Tour. At hindi lang basta fan meeting, taping o shooting ang gagawin ng Korean actor sa bansa this time kundi magkakaroon sila ng business partnership deal ni Mr. Singson ng LCS Group of Companies. Itatayo nila ang Little Seoul sa Metrowalk ayon mismo kay Mr. Singson.
Magiging attraction sa Little Seoul ang mga tourist spot sa Korea kaya hindi na raw kailangang pumunta ng Seoul ng mga Pinoy.
Samantala itinanggi ni Mr. Singson ang sinasabing relasyon niya kina Pops Fernandez and Vina Morales. “Mga kaibigan ko ‘yan, at tinutulungan natin,” aniya.
Kakatawa naman ang sagot ni Mr. Singson nang tanungin tungkol kay Yen Santos. Nangiti lang ito sabay dialogue ng “itanong n’yo na lang kay Paolo Contis” sabay tayo nito sa interview.
- Latest