'Kilig!': Ex-lovers Heart Evangelista, Jericho Rosales nagkrus uli ang landas

Makikita sa larawang ito sina Maja Salvador, Jericho Rosales, Heart Evangelista, at Bea Alonzo
Mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

MANILA, Philippines — Todo-kilig ngayon ang maraming netizens sa muling pagkikita ng noo'y celebrity couple na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, ito matapos magsama-sama ng mga kasabayan sa showbiz sa ilang litrato kamakailan.

"About last night. . . Growing up together was fun... Seeing where life has takenall of us is pretty cool, " wika ng aktres, Miyerkules, kung saan makikitang kasama nina Echo at Heart ang tanyag na direktor at talent manager na si "Mr. M" (Johnny Manahan).

Kabilang din sa mistulang reunion ang mga sikat na Kapamilya stars noong kanilang panahon, gaya nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at Diether Ocampo.

Kita rin sa larawan ang up and coming Filipino-American singer-actor na si Kyle Echarri.

"Our stars collided last night... It was magical, " sabi naman ni Maja sa hiwalay na post.

Banggit naman ni Bea: "Does it ever drive you crazy just how fast the night changes?"

Taong 2008 pa nang kumpirmahin nina Echo at Heart ang kanilang paghihiwalay bilang magnobyo't nobya.

Matatandaang 2017 lang nang magksalubong sa isang event ang dating magjowa, ito habang kasama ni Jericho ang kanyang misis na si Kim Jones.

Kilala namang misis ngayon ni Sen. Francis "Chiz" Escudero ang aktres, bagay na dati nang natsismis sa diumano'y paghihiwalay. Kamakailan lang nang kumpirmahin nilang sila pa rin hanggang ngayon— James Relativo

Show comments