Tatay ni Julia na si Dennis, natakot ma-video

Julia Barretto

‘Kakaawa o nakakatawa ang comedian na si Dennis Padilla.

Kala niya pala kasi vini-video siya bago nag-umpisa ang celebrity screening ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)   bago pumasok ng sinehan noong nagkaroon ng media conference ang nasabing pelikula.

Pinipilit niyang burahin raw ‘yung video niya. Hahaha. Asyumero ang peg?

Eh wala naman siyang sinasabi bakit pinipilit niyang may video?

Anyway, bawal daw kasi siyang pa-interview.

I suppose tungkol ‘to sa anak niyang si Julia Barretto na NR as in no reaction sa kanyang pagpapansin sa mga post sa social media noong birthday ni Julia.

So paulit-ulit ang sabi ng comedian na bawal ang video kaya burahin daw eh wala nga siyang sinabi.

At gustong kunin pa ang cellphone ng pinagduduhang nag-video.

Wawa ang comedian dahil baka nga pakiramdam niya ay kinukunan siya kahit ‘di si Julia ang topic.

Anyway ang isang sure, maligaya ang kanyang anak sa piling ni Gerald Anderson. Habang ang ama ay tamang duda.

Bakit nga ba siya takot ma-video, ano ka­yang meron?

Show comments