^

PSN Showbiz

Paolo, nilantad ang ginawang kalokohan noong pandemic

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nilantad ang ginawang kalokohan noong pandemic
Paolo Contis

Kamakailan ay aming naging panauhin sa Fast Talk With Boy Abunda si Paolo Contis. Dito ay aming naitanong sa aktor kung talagang magkasintahan na sila ni Yen Santos. “Yes, ang sa amin kasi what you see is what you get naman. Hindi namin pwede ipilit ‘yung tao to be happy for us. Hindi namin pwede ipilit ‘yung mga tao na paniwalaan ‘yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin nila kung ano lang ‘yung nakikita nilang naka-post, ‘yon lang ang truth na alam nila,” makahulugang pagbabahagi ni Paolo.

Matatandaang naging kontrobersyal noong September 2021 ang pagpunta nina Yen at Paolo sa Baguio na magkasama.

Nagkaroon ng bulung-bulungan na posibleng ang aktres diumano ang naging dahilan ng hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo noon.

Pumutok din ang isyu noon na pinagsabay diumano ni Paolo ang relasyon sa dalawang aktres. “Noong nag-Baguio kami ni Yen, nasa States sina LJ noon. Nagmukhang baliktad because your interview with LJ came out pero wala na kami sa Baguio noon. So feeling ng tao habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako. Pero when you were interviewing LJ, at least 10 days na silang nasa States. I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami no’n,” paglilinaw ng aktor.

Inamin din ni Paolo na madalas na silang hindi nagkakaintindihan ni LJ noong kasagsagan ng pandemya sa bansa. Isa ito sa mga posibleng dahilan ng hiwalayan ng dalawa. “Medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ. Pero we were together of course. Napapadalas ‘yung away. I think combination na ng stress sa pandemic and every­thing. One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ‘yung mental health ni LJ. Isa ‘yon sa feeling ko naging simula ng downfall namin. Nahihirapan siya during pandemic. Ang utak ko, ‘Four times a day tayo kumakain, chill ka diyan,’ which was one of my biggest mistakes. ‘Yung pagdiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanya ang mga bagay-bagay, which led to bigger problems. I won’t divulge na doon sa isyu na ‘yon. Pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos. Plus, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work. May mga kalokohan din akong ginagawa,” pagdedetalye ng aktor.

Maui, nasa-shock sa mga bagong sexy film

Isa si Maui Taylor sa mga pinakasikat na sexy actress mahi­git dalawang dekada na ang nakalilipas. Naging mi­yembro din ng Viva Hotbabes ang aktres noon. Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa show business ang aktres. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay kaya pa umanong magpaseksi ni Maui sa mga pelikula. “Kaya pa, ako naman, nakikipag-compromise naman ako with the directors. Sabi ko pwede ako mag-side boob pa. Pwede ako mag-kissing pa. For me kasi, mas sexy ‘yung side boob kaysa full boobs. Kayang-kaya pa pero huwag lang ‘yung sobrang tindi,” nakangiting pahayag ni Maui.

Para sa aktres ay ibang-iba na ang tema ngayon sa paggawa ng sexy films. Madalas daw na nakakapanood ng mga pelikula si Maui sa Vivamax. “Ang dami ko nang napanood, nakaka-shock. Noon naman kasing time namin, hindi naman gano’n ‘yung pagpapa-sexy. Ngayon kasi parang, ‘Ooooh’ pero kung kaya naman at malakas talaga ang loob nila, eh di go ahead lang. Why not?” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC) 

 

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with